Rufa Mae Quinto full support sa first day of school ng anak

Rufa Mae Quinto full support sa first day of school ng anak: Finally anak, Grade 1 ka na! Go go go!

Pauline del Rosario |August 26,2023
facebook
share this

Rufa Mae Quinto full support sa first day of school ng anak: Finally anak, Grade 1 ka na! Go go go!

Pauline del Rosario - August 26, 2023 - 02:21 PM

Rufa Mae Quinto full support sa first day of school ng anak: Finally anak, Grade 1 ka na! Go go go!

PHOTO: Instagram/@rufamaequinto

NAKAKATUWA naman ang latest social media post ng celebrity mom at komedyana na si Rufa Mae Quinto.

Ramdam na ramdam kasi na tila mas excited pa siya sa kanyang anak sa pagpasok sa eskwelahan sa California.

Sa Instagram, ibinandera ng komedyana ang ilang pictures at video para sa unang araw ng klase ng 6-year-old na si Alexandria Athena.

Kalakip niyan ang all out support niyang mensahe para sa anak.

Baka Bet Mo: Rufa Mae proud na proud sa ‘academic award’ ng anak: Ito ang pinakamagandang regalo mo sa amin ng daddy mo

“First day of school! Finally anak, Grade 1 ka na! Go go go! Todo mo na ang school. Support support!” caption ni Rufa sa post.

Ani pa niya, “Mother duty naman ang ganap! Exciting! Proud parents us. Yahoo!”

“Masaya naman siya sa first day. Complete family kami!” saad pa niya at tinag pa ang kanyang mister na si Trevor Magallanes.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)

Libo-libong fans naman ang napa-comment at habang ang ilan ay naaliw sa naging caption ni Rufa, ang iba naman ay tila napa-senti mode dahil ang bilis daw lumaki ng kanyang anak.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Yay, big girl na talaga Athena!! Have fun at school!!!”

“Shucks, ang bilis! Enjoy school!”

“Aliw na aliw talaga ako magbasa ng mga caption mo idol, tinotodo mo talaga [laughing fae emojis].”

“Enjoy school, Athena [red heart emoji] ang laki laki mo na, sunod niyan dalaga ka na!”

Kung matatandaan, taong 2016 nang ikinasal sina Rufa at ang kanyang mister na si Trevor.

Makalipas ang isang taon ay biniyayaan sila ng maganda at matalino na anak na si Athena.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rufa Mae gusto pa sanang magkaanak: Pero ayoko na rin, may kapatid na naman si Athena sa unang ganap ni Trevor!

Rufa Mae iyak nang iyak: Hirap na hirap ako nu’ng una, parang end of the world na…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending