Rufa Mae proud na proud sa ‘academic award’ ng anak: Ito ang pinakamagandang regalo mo sa amin ng daddy mo
PROUD na proud na ibinandera ng comedienne-actress na si Rufa Mae Quinto ang nakuhang academic achievement ng 6-year-old na anak na si Alexandria Athena.
Sa Instagram, ibinahagi ni Rufa Mae ang video na kung saan ay umakyat ng stage ang kanyang anak upang parangalan ng “Saint Award Noteworthy Learners.”
Caption ng aktres, “Anak, I’m so proud of you @alexandriamagallanes, habang nasa Philippines ang mama working…ito ang pinakamagandang regalo na binigay mo sa amin ng daddy mo @trevvvsilog.”
“Sulit ang pag-aalaga namin at pagpapalaki sayo,” aniya.
Naging emosyonal din si Rufa Mae at sinabing bukod sa naiiyak siya sa nasabing video ay miss na miss na rin niya ang kanyang anak.
Sey ni Ruffa Mae, “Every time pinapanood ko ang video na ito naiiyak ako. Miss kita dahil parati ako out of the country or out of town, kaka todo na tour.”
Patuloy niya, “Hindi ako sanay na di kita makasama at makatabi sa gabi pagtulog ko.”
Baka Bet Mo: Rufa Mae gusto pa sanang magkaanak: Pero ayoko na rin, may kapatid na naman si Athena sa unang ganap ni Trevor!
Dagdag pa niya, “‘Di ko na siya kasama pero masaya ako sa naging decision naming mag-asawa na mag-focus siya sa school.”
Pinasalamatan din ni Rufa Mae ang kanyang mister na si Trevor Magallanes dahil siya ang nag-aalaga sa kanilang anak ngayon.
“Salamat Dada for being in charge. For letting all of us fly to the highest level. Supportive family and brainy haha. Matalino sila…Amen [folded hands emoji].”
View this post on Instagram
Para sa kaalaman ng marami, ito ang unang beses na pansamantalang iniwan ng aktres ang kanyang mag-ama sa Amerika upang magtrabaho na muna dito sa Pilipinas.
Matatandaan noong Abril ay pumirma ng kontrata si Rufa Mae sa Sparkle GMA Artist Center.
Related Chika:
Rufa Mae sa epekto ng pandemya: Parang naging horror film ang buhay!Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.