Rufa Mae hirap na hirap pa ring makipag-usap sa English pag nasa US; inalala ang pagbili sa kanya ni Heart ng sapatos | Bandera

Rufa Mae hirap na hirap pa ring makipag-usap sa English pag nasa US; inalala ang pagbili sa kanya ni Heart ng sapatos

Ervin Santiago - March 07, 2023 - 06:48 AM

Rufa Mae hirap na hirap pa ring makipag-usap sa English sa US, inalala ang pagbili sa kanya ni Heart ng sapatos

Rufa Mae Quinto

NARITO uli sa Pilipinas ang komedyanang si Rufa Mae Quinto para sa ilang projects makalipas ang ilang buwang pananatili sa Amerika.

Pabalik-balik lang si Rufa Mae sa Pilipinas at sa US dahil nga doon na naka-base ang asawa niyang si Trevor Magallanes kasama ang anak nilang si Athena.

Umuuwi siya sa bansa kapag nakakatanggap ng magandang proyekto sa showbiz. Last time na bumalik siya sa bansa ay bago magtapos ang 2022 kung saan kasama pa niya ang anak.

Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, kinumusta ng King of Talk ang buhay sa Amerika ni Rufa Mae, “Okay naman, sobrang lamig kasi winter. Pero busy ka du’n dahil mabilis ang oras. Siguro dahil busy ka rin, kasi ikaw lahat (ang gumagawa).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)


Dagdag pa ng komedyanya, “Masaya kasi mas normal ang life ko dun pero siyempre miss ko dito dahil marami akong kausap, kakuwentuhan.

“Maraming nakakaintindi sa akin dito dahil Tagalog nga, di ba?” ang tumatawang chika ni Rufa Mae.

Aniya, kapag daw may nagtatanong sa kanya sa Amerika kung artista siya sa Pilipinas, sinasabihan na lamang niya ang mga ito na nag-Google na lang.

Bukod daw sa dumudugo na ang ilong niya sa Inglisan ay lumalabas din daw ang mga puting buhok niya dahil sa matinding nerbiyos.

“Exactly who are you in the Philippines, what do you say?” ang pasampol ni Tito Boy kay Rufa Mae.

“Oh, yah, I’m an actress there. And the… wala hindi ko na masyadong… ipapakita ko na lang yung Google,” ang tawa nang tawang hirit ng komedyana.

“This is me. ‘Yan ganyan,” ang sey pa ni Rufa Mae habang minumuwestra ang hawak na cellphone na may Google.

“Sasabihin ko na lang, ‘Yah! (I’m an actress). You Google me. This is my Instagram,” dagdag pa niyang chika.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)


Napilitang manirahan si Rufa Mae sa Amerika kasama ang kanyang asawa at anak nang abutan siya roon ng COVID-19 pandemic.

Samantala, naibahagi rin ng komedyana sa programa ni Tito Boy na ang huling taong nakita niya sa Pilipinas bago siya lumipad pa-United States noong 2020 ay Heart Evangelista.

Inalala ng Kapuso star yung araw na bumili sa kanya ng designer items si Heart at tinulungan pa siyang magbenta.

“That time, nasa Tupperware lahat ng shoes ko, tapos pinilit niya ako (sabi niya), ‘tara na sige na dalhin mo,’ hanggang siya na naglinis isa-isa, nilatag niya lahat,” sey ni Rufa Mae.

“Nakakatuwa nga eh, hindi ko naman siya binebentahan, siya na lang nagbenta tapos nagbenta pa siya sa iba niyang friends,” aniya pa.

“Kaya natutuwa ako sa kanya, napakabait,” dagdag pa niyang papuri sa misis ni Sen. Chiz Escudero.

Isa raw sa mga nabili sa kanya ni Heart ay isang pair ng Gucci shoes na nagkakahalaga lamang ng P5,000.

Samantala, nabanggit din ng komedyana na noong 1995 pa sila nagkakilala ni Heart nang magkrus ang landas nila sa burol ng isang family friend.

“Nagandahan kami sa isa’t isa. Sabi ko ang ganda mo. Hindi niya pala na-forget. Tapos nagkita kami, artista na siya!” ani Rufa Mae kasunod ng malakas na halakhak.

Nagkasama na rin sila sa pelikula noong 2011, sa remake ng classic movie na “Temptation Island.”

Rufa Mae: Gustung-gusto ko rin naman sa US pero wala akong kausap du’n, nosebleed na nosebleed ako everyday!

Rufa Mae ibinuking si Robin nang makasama sa shooting: Grabe siya! Uubusin ang pera niya para sa bayan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rufa Mae sa epekto ng pandemya: Parang naging horror film ang buhay!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending