Korina sinupalpal ang basher na nagsabing 'plastikada' sila ni Karen: 'You're not only misinformed, you're miserable' | Bandera

Korina sinupalpal ang basher na nagsabing ‘plastikada’ sila ni Karen: ‘You’re not only misinformed, you’re miserable’

Ervin Santiago |November 02,2022
facebook
share this

Korina sinupalpal ang basher na nagsabing ‘plastikada’ sila ni Karen: ‘You’re not only misinformed, you’re miserable’

Ervin Santiago - November 02, 2022 - 07:43 AM

Korina sinupalpal ang basher na nagsabing 'plastikada' sila ni Karen: 'You're not only misinformed, you're miserable'

Korina Sanchez at Karen Davila

IBA’T IBA ang naging reaksyon ng mga netizens at televiewers sa one-on-one interview ni Korina Sanchez sa kapwa news anchor at broadcaster na si Karen Davila.

Naganap ito sa programa ni Korina sa NET25 na “Korina Interviews” kung saan pareho nilang nilinaw ang matagal nang isyu na may galit sila sa isa’t isa kaya hindi raw nagpapansinan kapag nagkikita.

Paliwanag ni Karen kung bakit natsitsismis na meron silang issue, “Feeling ko, because workwise, parang it was such a competitive environment where we used to work. Parang they would always pit people against each other, perhaps.

“It would be, let’s say after Korina, nandiyan si Karen. Napakahirap din nu’n for any woman, ha. Kasi nga you feel minsan either may hinahabol ka or hinahabol ka,” sey pa ni Karen.

“I mean this from the bottom of my heart, ako sa pananaw ko, isa sa mga nasayang na panahon ko sa ABS-CBN is yung hindi kita nakilala doon.

“Of course, you were very busy. But I feel it was a lost opportunity for me, for both of us,” pahayag ni Karen.

Chika naman ni Korina, “Sobrang busy. Iba iba ang schedule natin. It’s not like nakakahuntahan ko nang madalas si Bernadette (Sembrano) or even Loren (Legarda). Talagang ang nakakausap ko lang ay si Ted (Failon) kasi siya yung partner ko.”

Kung marami ang natuwa sa unang paghaharap nina Korina at Karen on screen, meron pa ring nangnega sa kanila at sinabihan pa silang mga plastikada.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina)


Ito ang nakakalokang hirit ng netizen laban sa dalawang premyadong broadcast journalist, “Nagkalat ang orocan at tupperware. Totoo ba pinahubad mo ang blazer mo kay Karen ng sinuot sa ABS-CBN?”

Mariin namang dinenay ni Korina ang nasabing kuwento. Bwelta niya sa basher, “Hindi. You’re not only misinformed, youre miserable (laughing face and thumbs down emoji).”

Marahil ang tinutukoy ng netizen ay ang tsismis noon na pinahubad umano ni Korina kay Karen ang suot nitong damit dahil nagkataobg magkapareho sila.

Meron namang nag-suggest kay Korina na interbyuhin din daw niya ang iba pang female news anchors mula sa ibang TV network, tulad  nina Mel Tiangco (GMA) at Sheryl Cosim (TV5).

Isa namang netizen ay nagsabi na sana’y kay Toni Gonzaga na lang daw sila magpa-interview, “Baka mas masaya at walang hindi magpapasapaw magkwento sa interview hehehe.”

Ang sagot ni Korina sa kanya, “Demanding mo naman (laughing emoji).”

Nag-request naman ang isang social media follower ni Korina na i-guest din niya sa kanyang programa sina Ted Failon at Boy Abunda. “Soon,” ang reply ni Korina.

Samantala, puro positibo naman ang naging komento ng ilang celebrities sa ipinalabas na interview ni Korina kay Karen.

“Exciting,” ang pahayag ni Aiko Melendez.

“Super idols. So happy seeing this,” komento ni Bianca Gonzalez.

“Icons,” ang comment ni Bea Alonzo.

Nag-post din si Karen ng mensahe tungkol sa naging guesting niya sa show ng kapwa TV host, “Thank you for thinking of me Korina! Am honored [heart emoji I had such a wonderful time with youuuuuuu!”

“Thaaaaank you K! Love this photo [
(heart emoj),” ang muling pagpapasalamat ni Karen nang mapanood ang post ni Korina sa kanilang video.

Sagot naman ni Korina sa kanya, “@iamkarendavila Palakpakan
(clapping hands emojis).”

Swimsuit photo ni Korina na may caption tungkol sa COVID-19 binatikos: Wala sa lugar, sobrang off

Korina: Iniiwasan ko na yung nega, wala akong opinyon sa politika, wala akong winawakwak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karen kay Korina: Kailanman hindi po kami nagpantay…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending