Karen kay Korina: Kailanman hindi po kami nagpantay…
WALANG katotohanan ang mga tsismis na nag-isnaban at nagkaroon ng matinding isyu sa pagitan nina Karen Davila at Korina Sanchez.
Ipinagdiinan din ni Karen na kahit kailan ay hindi sila maaaring maging magkapantay ni Korina dahil sa maraming kadahilanan.
Alam ng dalawang broadcaster at news anchor ang ginagawang pagtatapat at pagkukumpara sa kanila mula nang magkasama sila sa ABS-CBN ngunit sa totoo lang daw, never silang nagkaroon ng issue laban sa isa’t isa.
Ayon kay Karen, hindi sila dapat pinagko-compare o pinag-aaway ni Korina dahil simula pa lang ng pagtungtong niya sa bakuran ng Kapamilya Network ay tanggap na niyang senior niya ang host ng “Rated K.”
Knows din daw niya ang katotohanan na mas marami nang napatunayan si Korina kesa sa kanya, “Recently, nagkita kami ni Korina at a party, kay Anton San Diego (editor ng magazine editor). And we posted it and ang daming natuwa du’n.
“And I think because it’s the first time people saw Korina and I together,” ang pagbabahagi ni Karen nang mag-guest sa latest vlog ni Ogie Diaz sa YouTube.
Diin pa ng Kapamilya broadcast journalist, sikat na sikat na si Korina nang lumipat siya sa ABS-CBN mula sa GMA 7, “I’d like to say it the best way I could, Korina Sanchez was already an icon nu’ng nagpunta po ako sa ABS.
“Lumipat po ako sa ABS in 2001, Korina Sanchez na po siya. Sikat na sikat na po siya. In other words, kailanman hindi po kami nagpantay,” aniya pa.
“Hindi po ako competitor ni Korina, the next Korina. The only person I can be is Karen. That’s ll I can say.
“And I think the reason that all these things came out in the past, is because people were pitting us against each other,” paliwanag pa ni Karen.
Pero kung may isang bagay na pinanghihinayangan si Karen — hindi raw sila nabigyan ni Korina ng pagkakataon na maging close, “Well, ayoko namang magsinungaling. To be fair, there were periods in time naman na nagbabatian kami. Pero we didn’t have the opportunity kasi to really spend time together.
“Nasayangan lang ako in ABS was I wish Korina and I met at different circumstances that I got to know her. Because people tell me she’s such a good friend, a loyal friend to have,” lahad pa niya.
Kung matatandaan, naging usap-usapan din noong 2018 ang pagkikita nina Karen at Korina sa party din ni Anton San Diego. Nag-post din kasi sila noon ng kanilang photo together sa social media.
Sa ibinahaging litrato ni Korina, mariin niyang pinabulaanan ang “urban legend” tungkol sa away daw nila ni Karen.
Aniya sa caption, “I guess urban legend can indeed precede reality. Karen and I have worked in ABSCBN together for decades. And there is no issue whatsoever.” Na sinagot naman ni Karen ng, “Haha…great way to end 2018.”
Last September, 2020 ay pormal nang nagpaalam si Korina sa ABS-CBN makalipas ang 33 taong pagseserbisyo sa mga Kapamilya habang nananatili pa rin sa network si Karen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.