Bianca Gonzalez ‘beast mode’ nang pagmumurahin ng basher ang PBB
“BEAST mode” ang seasoned Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez-Intal matapos pagmumurahin ng isang netizen ang mga taong nasa likod ng “Pinoy Big Brother“.
Pinalagan ni Bianca ang pinagsasabi ng isang basher laban sa buong production ng “PBB Gen 11” kung saan isa siya sa mga naging host.
Bad trip ang hater sa mga naging kaganapan sa reality show ng ABS-CBN dahil daw sa pagiging “scripted” nito. Sabi nito sa kanyang X post, “Unang nabunot ni Fyang si JM. Pero bakit naging si D?”
“Scripted ka tlga @PBBabscbn , pa issue ang mga p*t*ng in*ng pibibi na to.
Baka Bet Mo: Pokwang ‘beast mode’ sa mga anti-Leni: Hindi ako takot mawalan ng followers, takot akong mawalan ng dangal!
“Kahit kailan scripted tlga show nyo!! Tadhana? Ta*gi*a mo saan tadhana na laging bunot ng kbila magkapareho lagi pti xmax party halata,” ang matapang na hirit ng basher.
Dagdag pa nito, “Napaka insensitive niyo alam niyo na may namamagitan sa dalawa pero gnagawa niyo parin yan. Ulit ulit na issue nakakasawa.”
View this post on Instagram
Hindi nga ito pinalampas ni Bianca at talagang binanatan ang basher. Hindi naman daw tama ang mura-murahin at insultuhin ang mga taong nasa likod ng “PBB.”
“Kailangan talaga murahin mo kami? Insultuhin, just because it does not meet your standard?
“We get a lot of bashing, I understand, but I put my foot down pag sobra na,” ang resbak ni Bianca sa naturang X user.
Nag-explain din ang TV host sa tunay na nangyari tungkol sa reklamo ng basher sa mga “PBB Gen 11” housemates na sina Fyang, JM, Jas, at Dylan.
“We value fans opinions a lot, pero pag minura na kami, mali na yun. Sana next time, share your thoughts na mas makatao.
“Iba yung nagpapakatotoo sa pagiging makatao. Parehong importante yun,” ang mariin pang pahayag ni Bianca.
Si Fyang Smith ang nagwaging Big Winner sa “PBB: Gen 11”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.