MJ Lastimosa nanakawan ng cellphone

MJ Lastimosa nanakawan ng cellphone: ‘May nagpa-picture lang, di ko namalayan when exactly nawala’

Ervin Santiago |November 30,2023
facebook
share this

MJ Lastimosa nanakawan ng cellphone: ‘May nagpa-picture lang, di ko namalayan when exactly nawala’

Ervin Santiago - November 30, 2023 - 05:34 PM

MJ Lastimosa nanakawan ng cellphone: 'May nagpa-picture lang, di ko namalayan when exactly nawala'

MJ Lastimosa

NANAKAWAN si Miss Universe 2014 MJ Lastimosa ng mamahaling cellphone sa isang exclusive store sa Alabang.

Sa kanyang Facebook account, ibinalita ng TV host at former beauty queen ang masaklap na nangyari sa kanya habang nasa loob ng mamahaling grocery store.

Ang mas nakakaloka pa rito, nangyari ang pagtangay sa telepono ni MJ sa mismong birthday pa niya.

Sey ni MJ sa kanyang FB status, “Araaay first time ko manakawan ng phone sa loob pa ng Superstore, happy birthday to me.”

Paliwanag pa niya, “May nag papicture lang, diko din namalayan when exactly nawala.

“I tried find my iphone ang sketchy nung place sa bulacan tas yun na di na malocate,” sabi pa niya.

Baka Bet Mo: #ChangeCareerYarn: MJ Lastimosa natagpuang nag-‘Sharon’, from beauty queen bet maging balot queen?

Narito ang ilan sa mga comments na nabasa namin sa FB post ni MJ.

“Mare ipa block na ang phone Kung wala na way para ma trace.”

“Baka nman mare nakita nung guard nung nagcheck ng resibo paglabas.”

“Madaming jan  CCTV ateng! Try mo.”

Ang sakit naman nun MJ Lastimosa mas masakit pa sa ginawa niya saken

“Ako nga mare yung sakin basta basta nlng aq iniwan.”

“Ako nga natutulog dito sa hinihigaan kong kama ko. pinasok ako kinuha yung laptop at 2 backup phones ko. iba na panahon ngayon. wala kasing takot ang tao ngayon.”

May isang netizen ang nagsabi ng, “Jusko mare. Di ko akalaing may magnanakaw ng phone sa loob nyan. Inutusan ni Nawat yan. Hahahahaha. Charot.”

Ang tinutukoy ng FB follower ni MJ ay si Nawat Itsaragrisil, ang Thai media personality na presidente ngayon ng Miss Grand International Organization.

Sagot naman ni MJ sa naturang netizen,  “Lahat kasalanan niya mare? kaloka kaaaa.”

Matatandaang tinuldukan ni Nawat ang pagkakaibigan nila ni MJ nang makarating umano sa kanya ang lumang vlog interview kay MJ ni Maki Gingoyon na isang transgender beauty queen.

Tanong ni Maki kay MJ, “What’s the worst pageant in the Philippines?” “Miss Grand International” ang sagot ni MJ sabay tawanan kaya naman nagngitngit sa galit si Nawat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, sa comment ni MJ sa post ng isang netizen, sana’y bigyan ng pansin ng tinutukoy niyang store ang pagkawala ng kanyang cellphone para mabigyan na rin ng babala ang mga shoppers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending