#ChangeCareerYarn: MJ Lastimosa natagpuang nag-'Sharon', from beauty queen bet maging balot queen? | Bandera

#ChangeCareerYarn: MJ Lastimosa natagpuang nag-‘Sharon’, from beauty queen bet maging balot queen?

Therese Arceo |July 19,2023
facebook
share this

#ChangeCareerYarn: MJ Lastimosa natagpuang nag-‘Sharon’, from beauty queen bet maging balot queen?

Therese Arceo - July 19, 2023 - 08:00 AM

MJ Lastimosa natagpuang nag-'Sharon', from beauty queen bet maging balot queen?
ALIW na aliw ang mga netizens sa naging paandar ng host at beauty queen na si MJ Lastimosa.

Sa kanyang Facebook post kasi ay ibinahagi niya ang isang video kung saan makikitang matapos ang kanyang pagkain ay naglabas siya supot mula sa kanyang bag para “i-sharon” ang mga natirang pagkain.

“Mareng Merijin no more, say hi to Mareng Shawie,” kwelang saad ni MJ sa kanyang caption.

Kitang-kita sa video na talagang naka-pustura ang beauty queen na at tila mula pa sa isang event ang awra habang ginagawa ang video.

Makikitang nag-lip sync pa si MJ ng kantang “Bituing Walang Ningning” na isa aa mga sikat na awitin ni Sharon Cuneta.

“Balutin mo ako…” sey ng beauty queen habang natatawang inilalapit ang pinggan sa kanya habang hawak hawak ang isang plastic bag.

Baka Bet Mo: MJ Lastimosa napagkamalang kandidata sa 2021 Miss U: Kaloka ‘yung advisor in-award ako!

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MJ Lastimosa (@mj_lastimosa)


Makikita rin na walang paki sa iba pang mga tao at nagtatawanan pa sina MJ at ang kanyang mga kasamahan sa kalokohang naisip ng dalaga.

Umani naman ng samu’t saring mga komento ang naturang video post mula sa madlang netizens.

“Nag sharon si mareng MJ!” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Love this woman. Walang keme… true to herself with substance.”

“Mj never fails to give us a good dose of humor,” sey naman ng isa.

Dagdag pa ng netizen, “I love that so natural..sharon na sharon.”

Ang katagang “Sharon” ay na-associate na sa mga taong mahilig magbaon at mag-take home ng mga handa at pagkain dahil sa lyrics ng kanta ni Megastar na “Balutin mo ako” sa “Bituing Walang Ningning”.

Related Chika:
MJ Lastimosa sa mga nagsasabing retokada siya: Yes, I can afford

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

MJ Lastimosa binanatan ng bashers dahil sa ‘sayang ticket’ tweet, nagpaliwanag: Walang comprehension ng mga tao here

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending