Samantha Bernardo sinorpresa ng boyfriend, MJ Lastimosa napa-OMG Bandera

Samantha Bernardo sinorpresa ng boyfriend, MJ Lastimosa napa-OMG

Therese Arceo |January 14,2022
share this

Samantha Bernardo sinorpresa ng boyfriend, MJ Lastimosa napa-OMG

Therese Arceo January 14, 2022 - 04:02 PM

Samantha Bernardo sinorpresa ng boyfriend, MJ Lastimosa napa-OMG

TALAGA namang waging-wagi ang beauty queen at dating “Pinoy Big Brother” celebrity housemate na si Samantha Bernardo matapos siyang makatanggap ng sorpresa mula sa kanyang dyowa.

Noong January 9 nga ay nagkaroon ng KUMU Live si Samantha kung saan ay guest niya ang kapwa beauty queen na si MJ Lastimosa.

Sa umpisa ng livestream ay mega chikahan ang dalawa tungkol sa naging experience ni Samatha sa loob ng Bahay ni Kuya.

Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay biglang sumulpot ang boyfriend ni Sam na si Scott na may dala-dalang bouquet ng flowers.

Napa-OMG naman ang guest ni Sam na si MJ at tila manghahampas pa ng hawak niyang bote sa screen lalo na nang mag-kiss sa lips ang dalawa.

Sey ni MJ sa dyowa ni Samantha, “Scott, thank you for letting rveryone feel that they are single tonight.”

Sagot naman ng dyowa ni Sam, “It’s okay. You know what, Mr. Right is out there. You just have to find him.”

Matapos mawala sa screen ng dyowa ni Samantha ay sinabi agad ni MJ na “eksena” raw ang dyowa ni Samantha.

“Bakit naman po ganyan? Bakit naman po nananampal? Bardagulan, e. Bakit naman nananampal?” pabirong saad ni MJ.

Agad na humingi ng sorry si Samantha dahil sa ginawang “eksena” ni Scott.

Marami namang mga netizens ang tawang-tawa sa reaksyon ni MJ sa naging surprise ni Scott kay Samantha.

“Kayanin mo, MJ!” comment ng isang netizen.

“‘Yung feeling na single ka tapos ganyan yung mag jowa sa harapan mo!!! ehh di wow talaga,” saad naman ng isang netizen.

Kahit sa Twitter ay may mga snippets ng live stream ni Sam na ni-retweet ni MJ.

“2pts po kay samberloo nangaatake ng walang paalam,” tweet ni MJ.

Sa ngayon ay patuloy pa ring nagre-recover si Samantha na kamakailan ay nag-positive sa COVID-19 ilang araw matapos nitong lumabas mula sa “PBB” house.

Related Chika:
MJ Lastimosa napagkamalang kandidata sa 2021 Miss U: Kaloka ‘yung advisor in-award ako!
Samantha Bernardo sa mga haters: I’m not fake, I’m human…I have feelings

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending