Samantha Bernardo sa mga haters: I'm not fake, I'm human...I have feelings Bandera

Samantha Bernardo sa mga haters: I’m not fake, I’m human…I have feelings

Ervin Santiago |December 17,2021
share this

Samantha Bernardo sa mga haters: I’m not fake, I’m human…I have feelings

Ervin Santiago December 17, 2021 - 06:45 AM

Samantha Bernardo

NAGING emosyonal ang beauty queen at Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 celebrity housemate na si Samantha Bernardo sa pag-uusap nila ni Kuya.

Ibinahagi ng dalaga ang kanyang naging pageant journey kay Big Brother sa isang episode ng nasabing reality show ng ABS-CBN. Si Samantha ay itinanghal na first runner-up sa Miss Grand International 2020.

Ang malalim na hugot sa buhay ng beauty queen ay nangyari matapos buksan ang mga black box kung saan nakalagay ang pangalan ng mga kapwa niya housemates na sina Alexa Ilacad at Jordan Andrews.

Ang mga ito ang nag-nominate sa kanya for eviction. Nasa loob din ng mga kahon ang paliwanag nina Alexa at Jordan kung bakit siya ang kanilang ibinoto.

Reaksyon ni Samantha, “It’s nothing personal na magagalit or magkakaroon ng hiwalayan. Hindi naman po akong ganoong tao. At sanay po talaga ako sa mga criticisms.” 

Tinanong siya ni Kuya kung ano ang pinakamatinding pamba-bash na natanggap niya during her pageant days, sey ng beauty queen, “Parang halos lagi talaga everytime iyon ‘yung nare-receive ko is fake daw ako at saka trying hard.”

“Unang-una I’m not fake. I’m human. I have feelings. Second, parang trying hard  kasi nu’ng pageant ko parang, ‘Grabe naman ito. Ang kapal naman ng mukha nito. Lagi naman ‘yang runner up.’ 

“Siyempre, akala mo ‘di ‘yun nakakasakit pero part of you… may tama naman sila. At hinaharap ko ‘yun. Alam ko sa sarili ko na hinaharap ko ‘yun ng buong puso at hindi ako lumalaban ng half-hearted lang kasi gusto ko talaga ‘yun.

“Now that I know better, I know that I am not plastic. Yes, I’m always trying my best every time, every day because I am a true beauty queen,” diin pa niya.

Sabi naman sa kanya ni Kuya, “Samantha gusto kong malaman mo na hindi ka fake. Totoo ka. Totoong tao ka. Totoong housemate na nagpakatotoo. 

“Ang totoo niyan, ang trying hard ay isang bagay na dapat ipagmalaki. Dahil ang trying hard is trying your best. Your best is always enough,” mensahe pa sa kanya ni Big Brother.

Miss PH Samantha Bernardo lumafang ng bulate sa Thailand; mga kapwa beauty queen na-shock

Samantha Bernardo ‘simply grand’ sa Miss Grand International

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending