Miss Grand PH 2024 kokoronahan na ang bagong reyna

Miss Grand PH 2024 kaabang-abang, kokoronahan na ang bagong reyna

Pauline del Rosario - September 29, 2024 - 02:08 PM

Miss Grand PH 2024 kaabang-abang, kokoronahan na ang bagong reyna

PHOTO: Instagram/@nikki_de_moura

ILANG oras nalang, kokoronahan na ang bagong reyna ng Miss Grand Philippines!

Ang coronation night ay mangyayari sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City mamayang gabi, September 19. 

Pero ano-ano kaya ang hinahanap na katangian upang hirangin na big winner sa nasabing kompetisyon?

Nakachikahan ng INQUIRER.net ang reigning queen na si Nikki De Moura at isa-isa niyang ibinunyag ang mga nais niya para sa susunod na titleholder.

“I’m looking for someone who’s fearless and bold and not afraid to do the unknown,” sey ng Brazilian-Filipino model sa isang event sa Makati City.

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Jayda chinika ang hinahanap na katangian ng ‘right lover’

Para sa mga hindi masyadong aware, ang Miss Grand Philippines crown ay ang ikalawang national title ni Nikki na nakuha niya last year.

Ang una niyang korona ay ang Miss Teen Philippines noong 2019.

Taong 2021 naman nang mag-join siya sa season 6 ng Asian reality competition na “Supermodel Me: Revolution.”

Ito ay ginanap sa Singapore at isa lamang siya sa tatlong Pinay models na lumaban diyan.

Samantala, ang magwawagi sa Miss Grand Philippines ay magtutungo agad sa Thailand sa October 3 upang maging parte ng 2024 Miss Grand International pageant.

Ang coronation event naman para diyan ay gaganapin sa Bangkok sa darating na October 25.

Until now, wala pang Pinay ang nakokoronahan sa nasabing international competition, pero ang highest placement na nakamit ng ating bansa ay ang first-runner ups na sina Nicole Cordoves (2016) at Samantha Bernardo (2020).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa nabanggit na top winner ng national pageant, pipiliin din kung sino ang magiging kinatawan ng Pilipinas para sa 2025 Universal Woman pageant.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending