MJ Lastimosa napagkamalang kandidata sa 2021 Miss U: Kaloka 'yung advisor in-award ako! Bandera

MJ Lastimosa napagkamalang kandidata sa 2021 Miss U: Kaloka ‘yung advisor in-award ako!

Therese Arceo |December 14,2021
share this

MJ Lastimosa napagkamalang kandidata sa 2021 Miss U: Kaloka ‘yung advisor in-award ako!

Therese Arceo December 14, 2021 - 06:08 PM

MJ Lastimosa napagkamalang kandidata sa 2021 Miss U: Kaloka 'yung advisor in-award ako!

NAPAGKAMALANG Miss Universe 2021 candidate sa Israel ang beauty queen na si MJ Lastimosa nang dumalo ito sa naturang pageant.

Sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi ng beauty queen ang nakakalokang insidente na kanyang na-experience.

“Lalabas na ako. Pupunta na ako sa coaster ni Ms. O, hinabol ako ng adviser. ‘Where are you going? Where are you going? Where’s your sash?’ Gulat ako, akala niya candidate,” paglalahad ni MJ.

Ibinahagi rin ng dalaga ang kanyang experience sa Twitter account niya.

“Kaloka ‘yung advisor inaward ako bakit daw di ko suot sash ko. Hahahahahaha! Award,” tweet ni MJ.

Kasama ni MJ ang kapwa beauty queen at Miss Universe Philippines pageant director na si Shamcey Supsop sa Red Sea Resort noong coronation night bilang pagsuporta sa representative ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez sa kanyang journey sa pag-uwi ng ikalimang korona mula sa Miss Universe pageant.

Bagamat hindi pinalad si Beatrice na iuwi ang korona ay pasok naman ito sa Top 5 kasama sina Miss Paraguay, Miss South Africa, at Miss Columbia at ang itinanghal na Miss Universe 2021 mula sa India na si Harnaaz Sandhu.

Proud na proud naman sina Shamcey at MJ kay Beatrice dahil sa pag-abot ng dalaga sa Top 5.

“Congratulations Bea!!!! Proud ako sayo pero wala paring Top 5 top 5 pag nagkita tayo! Pahinga ka muna dzaiii,” pagbati ng beauty queen kay Bea kasama ang stolen picture kung saan pinipicture-an ni Bea so MJ.

Si Mary Jean Lastimosa o mas kilala bilang MJ Lastimosa ay ang nagwaging Miss Universe Philippines noong 2014.

 

Related Chika:
Rabiya looking forward sa muling pagsali ni Kisses sa MUPH; MJ humanga sa bait ng dalaga

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending