MJ Lastimosa umalma sa pambabasag ng bashers matapos laitin ang 'Barbie': 'Wait lang naman, sobrang online bullying naman agad kayo' | Bandera

MJ Lastimosa umalma sa pambabasag ng bashers matapos laitin ang ‘Barbie’: ‘Wait lang naman, sobrang online bullying naman agad kayo’

Ervin Santiago |July 26,2023
facebook
share this

MJ Lastimosa umalma sa pambabasag ng bashers matapos laitin ang ‘Barbie’: ‘Wait lang naman, sobrang online bullying naman agad kayo’

Ervin Santiago - July 26, 2023 - 10:37 AM

MJ Lastimosa umalma sa pambabasag ng bashers matapos laitin ang 'Barbie': 'Wait lang naman, sobrang online bullying naman agad kayo'

Margot Robbie at MJ Lastimosa

BURADO na ang mga tweet ng TV host at beauty queen na si MJ Lastimosa tungkol sa pang-ookray niya sa pelikulang “Barbie“.

Ito’y matapos nga siyang makatanggap ng maaanghang at masasakit na salita mula sa mga netizens na na-bad trip sa ginawa niyang panlalait sa pelikula na pinagbibidahan ng mga Hollywood stars na sina Margot Robbie at Ryan Gosling.

Sa Twitter account ni MJ, mababasa ang deleted na ngayong post na, “Sobrang waley ng barbie movie sayang 600 ko haha!”

Dagdag pa niya, “Okay naman some parts but in general, mehhh parang school project film.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kasunod nito, mabilis na kumalat na parang apoy ang kanyang “review” sa “Barbie” na hindi nga nagustuhan ng maraming Pinoy fans na nakapanood na rin ng pelikula. Kaliwa’t kanang banat at batikos ang natanggap niya mula sa mga Twitter users.

“MJ, wasting money on a Barbie movie? Girl, that’s more regrettable than your answer in the Q&A portion.”

“I don’t know about MJ’s preferences, but the Barbie movie was perfectly executed, tackling the world typically ruled by men and challenging the unequal idea behind the toy. It’s fine if you don’t appreciate this, not everyone can, just like MJ.”

Baka Bet Mo: Rabiya looking forward sa muling pagsali ni Kisses sa MUPH; MJ humanga sa bait ng dalaga

“Hindi mo lang MJ Lastimosa naintindihan ang story ng barbie [laugh in tears emojis] mahina ang kukute mo kasi. Mahina ang english vocabulary mo. hindi mo lang naintidihan ang kwento ng barbie kasi b*ba ka.”

“Anteh almost 200 million yung budget nyan tapos tatawagin mo lang parang school project, eh net worth mo nga sa wala pa sa talampakan ni Margot Robbie.”

“All the Barbie marketing strategies, $145 budget, Greta Gerwig’s genius, and etc just to be called “parang school project lang” by @MJ_Lastimosa HAHAHAHA LOL kab*b*han on its finest.”

“Mapanira tong si MJ Lastimosa about sa Barbie eh. Kng nde mo gs2 ang barbie movie quiet kana lang. 600 lang lugi mo accla nde ka maghhirap sa 600 pesos. Akala mo nmn kng sino kang best actress makapagsalita! Starlet ka lang nmn accla. Masyado toxic ang bibig mo! malaki na toxic pa.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MJ Lastimosa (@mj_lastimosa)


Yan ang ilan sa mga nakakalokang pambabara ng netizens sa dating beauty queen.

Sa kanyang Twitter page, muling nag-post si MJ at sinagot ang mga bashers. Aniya, nagulat siya na grabe ang naging reaksyon ng mga tao sa kanyang mga naging pahayag about “Barbie.”

“Wait lang naman sobrang online bullying naman agad kayo. Nakakatakot naman mag ka opinion dito minumura nako ng iba sa ibang socmed ko only because I did not like a film?

“I liked Little Women and Lady Bird naman, why attack me if I say I didn’t find it as good. It’s just my opinion and it has nothing to do about the movie being feminist, which is the only part that I liked, specially the speech of America Ferre, parang dapat nga wala na si Will Ferrell dun.

“But it’s just me, you’re entitled to like and dislike a movie. It’s not that deep mare,” depensa ng dalaga.

Dagdag pa niya, “Wala akong inapakang tao. Natatakot din akong itweet to kasi magagalit nanaman kayo kasi dapat in unison ang opinion naten dito or else bobo na agad kami?

“Sorry na agad mga mare kalma na maxado na kayong galit,” sey pa ni MJ.

#ChangeCareerYarn: MJ Lastimosa natagpuang nag-‘Sharon’, from beauty queen bet maging balot queen?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantha Bernardo sinorpresa ng boyfriend, MJ Lastimosa napa-OMG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending