Barbie Forteza talagang mabuti ang kalooban, John Lapus isa sa mga patotoo | Bandera

Barbie Forteza talagang mabuti ang kalooban, John Lapus isa sa mga patotoo

Therese Arceo |July 25,2023
facebook
share this

Barbie Forteza talagang mabuti ang kalooban, John Lapus isa sa mga patotoo

Therese Arceo - July 25, 2023 - 11:42 PM

Barbie Forteza talagang mabuti ang kalooban, John Lapus isa sa mga patotoo
MAGING ang direktor at komedyanteng si John Lapus ay saksi sa pagiging mabait at mabuting tao ng Kapuso actress na si Barbie Forteza.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ay ibinandera niya ang kabaitan ng dalaga.

“Mabait talaga si @dealwithBARBIE minsan nilapitan pa nya ako sa sinehan para lang mag hello at ipakilala si Jack to think na magkalayo kami ng upuan,” lahad ni Sweet sa minsang encounter nila ni Barbie.

Matapos mabasa ang papuri sa kanya ng direktor ay agad naman itong nagpasalamat.

“Maraming salamat po, Direk @KorekKaJohn [Sweet]. sana po magkawork po tayo ulit,” sey ni Barbie.

Matatandaang una nang pinuri ng Kapamilya star na si Ivana Alawi ang “Maria Clara at Ibarra” lead sa kanyang Q & A vlog.

Baka Bet Mo: Barbie Forteza, Jak Roberto, David Licauco solong rumampa sa GMA Gala 2023

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Natanong kasi si Ivana kung sino sa mga GMA artists ang pinaka naging nice niyang nakatrabaho at ang sagot nga nito ay si Barbie Fortezaz

“Maraming nagmamaldita sa’king nung nag-i-start ako sa GMA as in maraming masusungit. Ayaw tayong bigyan ng pwesto, ayaw kaming bigyan ng pagkain tapos sinusungitan kaming mag-ina.

“Basta marami, and then ang pinaka naging mabait sa akin na hindi ko makakalimutan, hindi ko pa siya nakakausap after pero si Barbie Forteza,” pagkukwento ni Ivana.

Nakarating naman sa Kapuso star ang balita at nagpasalamat sa Kapamilya actress-vlogger.

“Grabe naman to. Maraming salamat, @IvanaAlawi so happy for all your success. Ingat kayo ni Mona. Hi po tita!” sey ni Barbie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Joshua pinakilig ang fans sa paandar na hirit kay Barbie: ‘Pa-tip na lang po o pa-5 star, salamat po!’

Barbie shookt sa chikang hiwalay na sila ni Jak: Dyusko! Tatawagan ko, inform ko siya agad para alam niya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending