John Lapus: Dasal ko kay Lord kapag namatay ako, one time, big time na lang | Bandera

John Lapus: Dasal ko kay Lord kapag namatay ako, one time, big time na lang

Therese Arceo - September 09, 2021 - 06:14 PM

AMINADO si John Lapus na hindi na maganda ang naging relasyon niya sa kanyang pamilya bago pa magsimula ang pandemya.

Taliwas sa madalas na sinasabi ng iba na isa sa mga magagandang bagay na naidulot ng pandemya ay ang mas maraming oras kasama ang pamilya, mukhang hindi ‘yun ang siste sa komedyante.

“Wala akong ganong support group, backbone katulad ng sinasabi ng iba. Na atleast, nakalock-in lang ako sa bahay. Na atleast, I got to be with my family, mas nakilala namin ang isa’t isa, mas nag-bonding kami kasi prior to pandemic pa wala na akong contact and connection with them.

“Sad but ganoon talaga. Hindi lahat ng bagay ibibigay sa ‘yo at hindi lahat ng bagay sa aspeto ng pagkatao, love life, family, social, hindi lahat. Feeling ko sa kaibigan lang ako suwerte kaya ingat na ingat ako sa kaibigan,” kuwento ni Sweet sa kaibigang si Ogie Diaz.

Amin pa niya, siya raw mismo ang umiwas sa kanyang pamilya dahil napagod na ito.

“Na-realize ko na pagod na ako sa kanila. Pagod na akong tulungan sila kasi parang hindi nila tinulungan ‘yung mga sarili nila,” pag-amin ni Sweet.

Dagdag pa niya, huli na raw nang marealize niya na ang mga taong tinutulungan niya ay umaasa na lang sa kanya kaya napagod na siya.

Kuwento pa nito, three or four years ago raw, mga panahong nawalan siyang trabaho ay nasa bahay lang ito at doon niya narealize na wala raw nangyari sa mga pamangkin niya na tinutulungan niya.

“‘Yun din ‘yung time na ‘yung mga kaibigan ko nagpaaral rin ng mga pamangkin, graduate na ng college, may trabaho na. May isa akong kaibigang bakla, nilibre siya ng pamangkin niya ng trip to HongKong kasi nga may trabaho na tapos ako wala, nganga silang lahat,” saad ni Sweet.

Dito raw siya napatanong at napa-compute para sa future. Nag-worry ito para sa sarili kung sino ang mag-aalaga sa kanya gayong di rin kayang alagaan ng mga pamangkin niya ang kanilang sarili.

Siguro ay may pagkakamali rin siya sa kung ano ang nangyari sa kaniyang mga pamangkin dahil tulong lang siya ng tulong at marahil nagkulang siya sa pagbibigay ng emotional support sa mga ito.

Kaya nga raw takot siyang tumanda kay pag nag-eemote ito sa mga kaibigan ay sinasabi niyang sila na ang bahala sakaling mamatay siya.

“Ayoko ‘yung mai-stroke tapos aalagaan. Walang mag-aalaga sa ‘kin. Sure ako.

“Hindi ko alam kung masama pero isa ‘yun sa mga dasal ko kay Lord. Na ‘pag namatay ako, one time, big time. ‘Wag akong ma-stroke o ‘wag akong maospital kasi alam kong walang mag-aalaga sa akin.

“Sinabi ko sa mga kaibigan ko na kapag na-stroke ako o ‘yung machine na lang ang bumubuhay sa ‘kin, sabi ko sa mga kaibigan ko, ‘Dalawin n’yo ko, pasimpleng sipain n’yo ‘yung saksakan para mamatay na ako kasi alam kong walang mag-aalaga sa akin,” malungkot na pahayag ni Sweet.

Ngayon nga ay pinagpaplanuhan niya kung sakaling mamatay siya tulad ng memorial plan at may close friend itong kinakausap niya kung paano ang magiging hatiin ng property sakaling mangyari ‘yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nang tanungin naman siya kung umaasa siyang magkaayos sila ng pamilya niya bago siya mawala ay hindi agad nakasagot ang comedian-director.

Aniya, nakalagpas na raw siya sa galit na nararamdaman ngunit hindi na siya umaasa. Basta ang hangad lang nito ay maging maayos ang pamilya ng mga pamangkin lalo na’t may mga anak na ang iba sa mga ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending