Joshua pinakilig ang fans sa paandar na hirit kay Barbie: 'Pa-tip na lang po o pa-5 star, salamat po!' | Bandera

Joshua pinakilig ang fans sa paandar na hirit kay Barbie: ‘Pa-tip na lang po o pa-5 star, salamat po!’

Ervin Santiago - July 25, 2023 - 09:48 AM

Joshua pinakilig ang fans sa paandar na hirit kay Barbie: 'Pa-tip na lang po o pa-5 star, salamat po!'

Barbie Forteza at Joshua Garcia

MUKHANG madadagdagan na naman ang “problema” ni Barbie Forteza ngayong pumasok na rin sa eksena ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia.

Nagdesisyon ang Kapuso Primetime Princess na rumampa ng solo sa naganap na GMA Gala 2023 nitong nagdaang Sabado para wala na lang isyu sa mga fans.

Nagpustahan pa kasi ang mga supporters ni Barbie kung sino ang makakasama niya as escort and partner sa naturang GMA event – kung ang boyfriend ba niyang si Jak Roberto o ang ka-loveteam niyang si David Licauco.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


It turned out, mag-isa siyang lumakad sa red carpet ng GMA Gala this year at solo ring rumampa sina David at Jak. Nagkasama na lang ang Kapuso couple sa loob ng venue base sa mga litratong ipinost nila sa social media.

At ngayon nga, umaani ng positive vibes at kilig ang pagkikita at pagbebeso nina Barbie at Joshua sa nasabing Kapuso gathering. Sila naman ngayon ang inuulan ng tukso kasabay ng request ng mga fans na pagtambalin din ang dalawa.

Mas lalo pang pinakilig nina Barbie at Joshua ang mga Kapuso at Kapamilya fans nang magpalitan sila ng mensahe sa socmed.

Nagpasalamat kasi Barbie kay Joshua Garcia dahil sa pagpili nito sa kanya bilang Best Dressed celebrity sa GMA Gala 2023. Nagustuhan ng binata ang suot niyang mint ball gown mula sa designer na si Ehrran Montoya.

Sey ni Joshua sa panayam ng GMA News si Barbie ang may pinakamagandang OOTD sa event, “Siya yung nasa harapan ko kanina, sabi ko, ‘Ang ganda ng dress nito.’

Baka Bet Mo: #MayPila: Barbie Forteza ‘willing to wait’ matupad lang ang wish na makatrabaho si Joshua Garcia

“Hindi siya ganu’n ka-flashy pero at the same time, nandu’n yung pagka-elegante nung babae,” aniya pa.

Kahapon, July 24,  ni-retweet ni Barbie ang short clip ng interview ni Joshua na may mensaheng, “Tama ka naman diyan. Hahaha! Salamat! (heart emoji).”

Nang mabasa naman ito ni Joshua, ni-retweet din ito ng binata sabay hirit ng, “Pa-tip nalang po o pa-five star, salamat po!”

Narito ang ilang comments ng mga netizens sa pakilig nina Barbie at Joshua na tinatawag na ngayong JoshBie at BarShua.

“Oh my! You have to do a movie together… Calling Star Cinema!!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ate, ano shampoo mo? Long hair yarn!?”

“Hahahaha! POWER!”

“Hoping that you get to have a project with Joshua soon! Ang galing nyo parehong umarte.”

“Barbie, Minimise being too OA when commenting or reacting to praises given to you. A simple thank you is very good enough. Now some are bashing you because of it.”

“Tamang tamang tama! I love how hindi na need mag-isip nang bongga ni Joshua sa dami ng ibang pwedeng sabihin. Maybe coz she’s really a standout.”

“Grabe naman yon madam! Ano bang shampoo gamit mo? bakit sobrang haba ng buhok mo? HAHAHAHA!”

“Both magaling sa actingan if ever may project for sure Hindi Tayo ma disappoint!!”

Pakilig ni Ruru kay Bianca: ‘Para sa akin ikaw ang pinakamagaling na nakatrabaho ko, maraming salamat sa ‘yo my love for being maalaga’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie Forteza pinapili kung love o career, netizens bumilib sa sagot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending