Kilikili, underwear ni Joshua Garcia pinagtripan ng mga netizens: 'Ang fresh, parang ang sarap amuyin maghapon!' | Bandera

Kilikili, underwear ni Joshua Garcia pinagtripan ng mga netizens: ‘Ang fresh, parang ang sarap amuyin maghapon!’

Ervin Santiago |June 18,2023
facebook
share this

Kilikili, underwear ni Joshua Garcia pinagtripan ng mga netizens: ‘Ang fresh, parang ang sarap amuyin maghapon!’

Ervin Santiago - June 18, 2023 - 03:09 PM

Kilikili, underwear ni Joshua Garcia pinagtripan ng mga netizens: 'Ang fresh, parang ang sarap amuyin maghapon!'

Joshua Garcia

VIRAL at hot topic ngayon ng mga netizens ang topless photo with “matching pasilip ng underwear” ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia.

Na-excite at nakiliti ang mga fans and supporters ng binata matapos nga nitong i-flex nang bonggang-bongga sa social media ang ilang litrato niya na kuha habang nagbabakasyon sa El Nido, Palawan.

Ang inilagay lamang niyang caption sa kanyang topless photo ay “Snooze”, meaning nagawa rin niya ang matagal nang pinapangarap na pahinga after ng sunud-sunod niyang trabaho sa showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Bukod sa kanyang litrato na nakahubad at kita ang suot niyang underwear ay may ipinost din siyang photo kung saan nakataas ang dalawa niyang kamay kaya lantad na lantad ang kanyang kilikili.

Ayon sa ilang nabasa naming comments, kahit daw walang muscles at abs si Joshua, yummy and delicious pa rin ito para sa kanila dahil mukha raw makinis, malinis at super bango.

May mga nagsabi pa nga na gusto na raw nilang tumira sa kilikili ni Joshua na may malagong buhok. Meron ding nag-request na mag-post din ang binata nang naka-underwear lang.

Baka Bet Mo: Basher na nang-okray sa kilikili ni Heart basag na basag: Hi perfect! Share tips naman

Napa-“sana all” na lang ang kaibigan ni Joshua na si Kathryn Bernardo sa kanyang paandar na photo.

Narito ang ilan sa mga comments ng mga netizens sa pasabog na pictorial ni Joshua.

“Mamahalin, aalagaan at pagsisilbihan!!!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ang fresh ng kilikili parang ang sarap amuyin maghapon haha.”

“Sarap ata tumira sa kilikili ni Joshua.”

“Pagala-gala na lang ah. Parang walang asawang nag-aantay sa bahay! Char!”

“Ay jushwa member ka pala ng illuminati ayoko na sayuuu!”

“Ang balahibo mo sa kili-kili Juswa! Alagang creamsilk ba?! Hahaha! Labyu!”

“Bat mo naman ako iniwan, kala ko ba sasama ako sayo jan ha?”

Samantala, marami naman ang nagtatanong kung sino ang babaeng kasama ni Joshua sa Palawan. Base sa mga nabasa naming komento ng fans, posibleng ang ka-date ng aktor ay ang French-Filipina athlete na si Emilienne Luciana Gabrielle Vigier.

‘Kilikili kiss’ ni McCoy kay Elisse pampaswerte sa pagpasok ng 2022

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julia: Ang sarap kayang mawasak ang puso…kasi alam mong tumitibay ka, natututo ka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending