'Kilikili kiss' ni McCoy kay Elisse pampaswerte sa pagpasok ng 2022 | Bandera

‘Kilikili kiss’ ni McCoy kay Elisse pampaswerte sa pagpasok ng 2022

Ervin Santiago |January 05,2022
facebook
share this

‘Kilikili kiss’ ni McCoy kay Elisse pampaswerte sa pagpasok ng 2022

Ervin Santiago - January 05, 2022 - 03:52 PM

Elisse Joson, McCoy de Leon at Baby Felize

ALIW na aliw at umani ng sandamakmak na likes at comments ang isa sa mga New Year’s Eve photo ng celebrity couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson.

Bukod sa cute na cute nilang anak na si Baby Felize, pinusuan din ng mga netizens lalo na ng mga loyal McLisse fans ang paandar na “kilikili kiss” ng mag-partner.

Nag-post si Elisse ng mga litrato ng kanilang pamilya sa Instagram na kuha sa pagsalubong nila sa Bagong Taon, kabilang na nga riyan ang mga snapshots habang nagka-countdown sila sa pag-welcome sa 2022.

Aniya sa caption, “Though our New Year’s Eve was spent differently and we missed our families so much, we’re still blessed to be with each other to welcome the new year,” the actress said in the caption.

“To an abundance of health, new possibilities, and success for all! Cheers,” dagdag pang mensahe ng celebrity mommy.

Pero in fairness, mas kinakiligan ng kanilang fans and social media followers ang huling litrato na ibinahagi ni Elisse sa IG. 

Ito nga ang nakakalokang paghalik ni McCoy sa kilikili ng Kapamilya actress bilang pampaswerte niya sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Komento ng isang McLisse supporter, “It’s the kilikili kiss for me!”

“Tignan na lang natin kung hindi pa ulanin ng swerte si McCoy ngayong year of the tiger. Kilikili powers for 2022!” sey naman ng isang netizen.

“Hahahaha! Yung kabilang kili kili naman. Happy New Year McFeLisse,” panunukso ng isa pa nilang fan.

Ito ang unang pagkakataon na nag-celebrate ng Pasko at New Year sina Elisse at McCoy bilang mga magulang at kitang-kita naman sa kanilang mga litrato at video kung gaano sila kasaya sa kanilang selebrasyon kasama si Baby Felize. 

Ipinakilala ng Kapamilya couple ang kanilang anak sa publiko noong Oct. 31, 2021 sa isang espesyal na episode ng “Pinoy Big Brother.” Alam naman ng lahat na nagkakilala at nagkadebelopan sa “PBB” noong 2016 ang dalawang ABS-CBN stars.

Kahit na meron na silang anak, wala pa raw balak magpakasal ang mga magulang ni Felize. Mas nais daw muna nilang ibuhos ang kanilang atensyon sa kanilang baby.

“Lagi naming pinag-uusapan ni Elisse ‘yan. Pero lagi naming binabanggit sa sarili namin na dapat maging praktikal lang kami. Siyempre, ‘di rin biro ang manganak lalo na ngayon pandemya, kailangang mag-ipon,” sabi ni McCoy sa isang interview.

Aniya pa, “Siguro soon. Wala namang problema do’n. Darating din naman tayo do’n. Kailangan lang siguro talaga naming paghandaan yon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Elisse hindi pinahirapan ni Baby Felize sa pagbubuntis: Walang hilo, walang suka!

McCoy may sweet message sa kanyang mag-ina: Gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending