Paolo Gumabao sa sex scenes nila ni Vince Rillon: Ano p’re? Sasagarin ko ’to ha, para one take lang! | Bandera

Paolo Gumabao sa sex scenes nila ni Vince Rillon: Ano p’re? Sasagarin ko ’to ha, para one take lang!

Ervin Santiago |January 19,2022
facebook
share this

Paolo Gumabao sa sex scenes nila ni Vince Rillon: Ano p’re? Sasagarin ko ’to ha, para one take lang!

Ervin Santiago - January 19, 2022 - 09:35 AM

Paolo Gumabao at Vince Rillon

KAGABI ginanap ang digital premiere night ng latest offering ng Viva Films na “Sisid” na pinagbibidahan nina Paolo Gumabao, Vince Rillon, Christine Bermas at Kylie Versoza.

Ito ang pelikulang ipinagmamalaki ng award-winning director na si Brillante Mendoza na inabangan ng maraming Vivamax subscribers last night, Jan. 18.

At isa na nga kami sa mga nabigyan ng chance na makapanood ng “Sisid” sa ginanap na digital premiere night nito sa Vivamax Plus. 

Bago naganap ang world premiere ng pelikula, humarap muna sa ilang members ng entertainment media para sa last online presscon ng Vivamax original movie, ang cast members pati na si Direk Brillante.

Lahat ng mga kasali sa movie ay very proud na nabigyan nga sila ng chance na makatrabaho ang premyadong direktor at umaasa sila na hindi ito ang una at huling project nila with the award-winning filmmaker.

Samantala, totoo nga ang sinabi nina Paolo at Vince na itinodo nila ang kanilang powers sa mga ginawa nilang sex scenes sa “Sisid”.

Sey ni Paolo, nakatulong ang pagiging close nila ng kanyang “leading man” sa set kaya wala nang ilangan nang kunan ang kanilang mga kissings scenes pati na ang iba pa nilang maseselang eksena. 

“Kami kasi ni Vince, pagdating na pagdating ko pa lang sa set, my first goal was to establish a relationship with him. And ako, sobrang na-appreciate ko rin si Vince kasi naramdaman ko rin na ’yon din ang goal n’ya, to establish a relationship with me para maganda ang mga eksena namin,” pahayag ng aktor.

Aniya pa, “So, first night pa lang naming nagkita ni Vince sobrang close na namin agad. Next day, nagyayaan magkape. Sa sobrang close namin wala ng problema ’yong mga bed scenes.”

At para one take lang at hindi na ulit-ulitin pa ang kanilang love scenes, sagad-sagaran ang ginawa nilang akting sa mga pasabog nilang eksena sa pelikula.

“Para na lang kaming naglalaro. Like, mag-uusap kami before the scene tapos sasabihin n’ya lang sa akin, ‘Ano p’re? Sasagarin ko ’to ha.’ ‘Ako rin bro. Tara, sagarin natin para one take.’ Ganu’n kami mag-usap ni Vince kaya na-appreciate ko rin talaga si Vince dito,” chika ni Paolo. 

Natatawa ring inalala ni Paolo ang isang eksenang ipinagawa sa kanila ni Direk Brillante kung saan hindi nila napigil ang magtawanan dahil  nakiliti raw si Vince habang naghahalikan sila.

“Parang unang part pa lang naman ng take ’yon. Medyo malago kasi ’yung bigote ko nu’n.

“Pag kini-kiss ko s’ya sa leeg kumikiskis ’yong bigote ko. Tapos tumatawa si Vince. ‘Uy, p’re, wait lang. Nakakakiliti.’ Tapos po-position na lang ako sa ibang part ng katawan n’ya para hindi s’ya makiliti,” natatawa pang kuwento ni Paolo.

View this post on Instagram

A post shared by Paolo Gumabao (@paologumabao)


Samantala, ipinagtanggol naman ni Direk Brillante ang mga sexy films na ginagawa ng Viva Films ngayon, “No matter how we see it, sex sells. We cannot deny the fact that people want to watch sexy films, especially Filipinos, for that matter. ‘Yun talaga ang panonoorin nila. At kung ano ang pinapanood nila, ‘yun ang nakikita nila.”

“But I think Vivamax is focusing on the reality more. The love scenes here in ‘Sisid’ are with two people falling in love.

“Magkasama naman ang love and lust. It’s always going to be there. We focus on reality, so that’s what we are showing. Films are supposed to mirror reality.

“People who are not even watching films from Vivamax are saying, ‘Walang ginawa ‘yan kung hindi sexy films.’

“Ang responsibility doon if that is what’s being focused, kung ‘yun ang pinag-uusapan ng mga tao, nanonood o hindi nanonood, is to take it from there.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“As a filmmaker and as an artist na gumagawa sa Vivamax, kung ‘yan ay parte ng buhay o parte ng kwento, dapat hindi ka lang mag focus doon. So when they watch the film, even if they see sexy scenes, alam nila na hindi mo ginawa ‘yun dahil kailagan lang,” katwiran pa niya.

Paolo Gumabao, Vince Rillon mas nadaliang makipaghalikan sa kapwa lalaki kesa sa babae, anyare?

Paolo pangarap makagawa ng pelikula kasama ang utol na si Marco: Sobrang excited ako na makatrabaho siya

Kylie Versoza naniniwalang hindi lang tungkol sa sex ang ‘Sisid’: It’s not just a sexy films maganda ‘yung kuwento

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending