Jane hindi tibo, pero payag sa lesbian project kasama si Janella

Jane hindi tibo, pero payag sa lesbian project kasama si Janella

Ervin Santiago |November 26,2023
facebook
share this

Jane hindi tibo, pero payag sa lesbian project kasama si Janella

Ervin Santiago - November 26, 2023 - 08:42 AM

Jane hindi tomboy, pero payag sa lesbian project kasama si Janella

Jane de Leon at Janella Salvador (Photo from Instagram)

SINISIGURO ni Jane de Leon na hindi siya lesbian at sa ngayon lalaki pa rin naman daw ang gusto niyang makarelasyon.

Bentang-benta pa rin kasi ang “tambalan” nila ni Janella Salvador na nagsimula sa Kapamilya action-fantasy series na “Darna“. Si Janella ang gumanap na Valentina sa latest version nito.

Sa pakikipagchikahan namin at ng ilang members ng press kay Jane sa naganap na presscon ng latest movie niyang “Shake, Rattle & Roll Extreme” napag-usapan ng ang tungkol sa kanila ni Janella at sa kanyang lovelife.

“As of now, happy naman ako. I am actually dating someone. Non-showbiz guy and let’s just leave it at that to protect his privacy.

“Basta my heart is happy. Nasa dating stage ako ngayon at hindi ko naman dini-deny ‘yun. And I think I want to keep it private lang so bahala na sila kung sino siya (dine-date). Ha-hahaha!” natatawang chika ni Jane.

And yes, payag na payag daw siya na gumawa sila ng BFF niyang si Janella ng isang lesbian movie o Girl’s Love series in the future kung mabibigyan ng pagkakataon.

Pero ano ang masasabi niya na may mga taong nagbibigay ng malisya sa friendship nila ni Janella at sinasabing baka raw may secret relationship na sila ng aktres.

Baka Bet Mo: Dating sexy star maligaya na sa piling ng lesbian lover, hindi raw naging happy sa ex-hubby

“Kami naman ni Janella, pareho kaming natutuwa sa suportang ibinibigay ng mga tao sa friendship namin. We don’t mind kung sinasabing bagay kaming love team.

“We interact with the fans na natutuwa sa amin, kaya siguro minahal din nila ang friendship namin. Siguro, sa mga LGBT, they fantasize us and it’s okay lang. If maibibigay ba namin ang kaligayahan nila, why not?” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


At kung may mag-offer nga sa kanila ni Janella ng isang lesbian-themed project,  “We’ve talked about and we’re open about the idea.

“Basta maganda ang story at maayos ang pagkakasulat ng script, sige, go. Trabaho pa rin naman ‘yun and people now are so open-minded about these things,” paliwanag pa niya.

Samantala, napanood na namin ang “Shake Rattle & Roll Extreme” sa ginanap na premiere night nito last Friday, November 24 sa SM Megamall Cinema 8 at showing na ito sa darating na November 29 sa mga sinehan nationwide.

Baka Bet Mo: Klea Pineda itinago sa pamilya ang pagiging lesbian, pero nabuking din ng ina dahil sa cellphone

At in fairness, para sa amin, ang episode nina Jane na “Rage” ang pinakamaganda kaya siguro ito rin ang pinaka-last sa nasabing horror trilogy muka sa Regal Entertainment.

Ang “Rage” ay isinulat ni Trisha Delez at idinirek ng batambatang filmmaker na si Joey de Guzman na nagmula pa sa New Zealand.”

Level-up ang “SRR Extreme” at lahat ng episode ay talagang nagpatalbugan sa kuwento at special effects, kaya nagtataka ang maraming nakapanood sa premiere night kung bakit hindi ito nakapasok sa Metro Manila Film Festival 2023.

Kasama rin ni Jane sa “Rage” sina Paolo Gumabao, Rob Gomez, Dustin Yu, Bryce Eusebio, Mika Raines at Sarah Edwards na iikot sa kuwento ng kakaibang sakit na kumalat sa isang lugar sa Pilipinas na nagmula sa mga bulalakaw.

Nagsimulang maging parang mga zombie ang mga tagaroon na siyang makakalaban ng grupo nina Jane. In fairness, napalaban muli sa aksyon at bakbakan ang bagong Darna sa nasabing episode na nabigyan naman niya ng hustisya and with flying colors pa.

“Si Miss Roselle Monteverde ng Regal ang isa sa unang nagtiwala sa akin, so I’m very thankful that I get to work with them again in ‘SRR Extreme. Ang dami kong napanood na SRR movies before kaya I’m happy and proud na finally, heto, kasama na ako in ‘SRR Extreme,’” sabi ni Jane.

“It’s a very scary story. Hinaluan din po ng action kasi may action scenes na nakikipaglaban kami sa mga taong infected by the virus at gusto kaming kainin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“For sure, the viewers will be terrified at magtitilian sila. And we’re glad na sa sinehan siya maipapalabas dahil mas nakakatakot ang scary scenes when you watch it on the big screen,” kuwento pa ng Kapamilya actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending