Dating sexy star maligaya na sa piling ng lesbian lover, hindi raw naging happy sa ex-hubby | Bandera

Dating sexy star maligaya na sa piling ng lesbian lover, hindi raw naging happy sa ex-hubby

Reggee Bonoan |March 17,2022
facebook
share this

Dating sexy star maligaya na sa piling ng lesbian lover, hindi raw naging happy sa ex-hubby

Reggee Bonoan - March 17, 2022 - 07:02 AM

Mahulaan n'yo kaya kung sinu-sino sila?

Mahulaan n’yo kaya kung sinu-sino sila?

NATAGPUAN na ng dating sexy star ang tunay na kaligayahan sa katauhan ng isang miyembro ng LGBTQIA+ . Hindi raw kasi siya naging masaya sa dating asawa na ama ng kanyang anak.

Nalaman namin ito dahil kilala namin ang karelasyon ng lesbian lover ng dating sexy star na nasa ibang bansa at hinihintay ang pagdating ng una, pero hindi natuloy.

“Naghihintay ako rito kay ____ (lesbian lover) panay lang ang oo. Ang tagal kong inayos ang papers tapos wala, ‘yun pala may ibang ka-date at si _____ (sexy star pala),” aniya.

Magkasama raw sa trabaho sina dating sexy star at ang lesbian lover nito kaya siguro nagkadebelopan.  Ang siste hindi naman ipinaalam na may ibang karelasyon pala ang huli sa ibang bansa na umayos ng mga papeles niya.

Tsika pa sa amin ng girl, “High school pa lang kami na ni _____  (lesbian lover), iisang school kami (exclusive for girls) tapos nagkahiwalay pagka-graduate, then nu’ng nandito na ako sa US, nagkaroon kami ng communication at itinuloy na, ang tagal namin.

“Then nag-usap kami na susunod na lang siya rito at inayos nga lahat ng papers. Okay na, eh. May schedule na ng alis, tapos biglang hindi na natuloy, nag-back out na.

“Umamin sa akin na sila na raw ni _____ (sexy star). Siyempre away kasi di ba, bakit pinatagal, ang daming nagastos sa papers para lang makapunta. Kasi naghanap kami ng sponsor eh, para makapag-work, hindi naman basta tourist visa lang,” paliwanag sa amin.

Sa kasalukuyan ay magkasama pa rin ang sexy star at ang partner niyang miyembro ng LGBTQ at masaya naman sila base sa nakita naming mga larawan nila sa social media.

* * *

Nagbabalik ang online talent competiton ng ABS-CBN na “Bida Star” para hanapin ang susunod na online singing sensation na pupukaw sa damdamin ng manonood sa bago nitong edisyon na “Bida Star Singer” kasama sina Karina Bautista at Aljon Mendoza at ang pinakabago nitong host na  si Anji Salvacion.

“Naranasan ko rin ang mararanasan nila kaya nagpapasalamat ako na makasama bilang host ng isang singing contest kasi dito rin ako nagsimula,” sabi ni Anji na dating contestant sa “Idol Philippines.”

Dadaan ang mga aspiring singer sa iba’t ibang hamon tulad ng “The Cover” kung saan magpapasiklaban sila sa harap ng hurado, “The Online Gig” kung saan ite-takeover nila ang kumu account ng Star Hunt, at online bagsakan.

Ani Karina, “Mas nae-excite ako ngayon kasi gusto ko makita kung paano bibigyan ng bagong flavor ng contestants ang mga kanta na marami nang umawit. Excited ako kung ano pa ang mabibigay nila at mahahandog nila sa ating mga Kapamilya.”

Ibinahagi naman ni Aljon kung paano nahasa ng “Bida Star” ang kanyang skills sa hosting, “Natutunan ko kasing makinig sa mga guest kaysa magfocus sa mga tanong na ibinigay. Mas importante kasi yung communication at connection.”

Tiyak naman na maraming matutunan ang mapipiling contestants sa mga huradong sina singing coach Anna Graham, Polaris head Reily Santiago, at isang weekly celebrity guest judge mula sa Polaris.

Bongga naman ang mauuwing premyong ng winner ng “Bida Star Singer,” kasama dito ang ABS-CBN management and recording contract, isang special trophy, at P50,000.

Bukas ang auditions para sa mga Pilipinong may edad 18 pataas at may talento sa pagkanta. Maaari pa silang sumali hanggang Marso 18 (Biyernes), bisitahin ang forms.abs-cbn.com/bidastarsinger para sa karagdagang impormasyon at i-fill out ang application form.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jessy ayaw nang makipaghalikan sa serye at pelikula, pinagbawalan ba ni Luis?

Janno nakipag-date sa tibo: Ako ang first experience niya tapos nabalitaan ko lesbian na ulit siya

Brillante Mendoza gustong ibandera ang iba’t ibang klase ng lesbian love affair

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending