Klea Pineda itinago sa pamilya ang pagiging lesbian, pero nabuking din ng ina dahil sa cellphone | Bandera

Klea Pineda itinago sa pamilya ang pagiging lesbian, pero nabuking din ng ina dahil sa cellphone

Ervin Santiago |March 21,2023
facebook
share this

Klea Pineda itinago sa pamilya ang pagiging lesbian, pero nabuking din ng ina dahil sa cellphone

Ervin Santiago - March 21, 2023 - 06:49 AM

Klea Pineda itinago sa pamilya ang pagiging lesbian, pero nabuking din ng ina dahil sa cellphone

Klea Pineda

NA-FEEL at nakumpirma ng Kapuso actress na si Klea Pineda na isa siyang lesbian noong tumuntong na siya ng high school.

Sa kanyang 24th birthday kamakalawa (March 19) matapang na ibinandera ng aktres na isa siyang tomboy at proud member din ng LGBTQIA+ community.

Ayon kay Klea, ilang taon din niyang itinago ang tunay niyang pagkatao at kasarian sa kanyang pamilya, mga kaibigan at katrabaho sa showbiz.

Inamin ng dalaga sa podcast na “Updated with Nelson Canlas,” na nasa high school siya noong maramdaman niyang isa siyang lesbian at inilihim daw niya ito sa kanyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Klea Pineda (@kleapineda)


“Na-realize ko na gay ako nu’ng high school pa. Before show business, doon ko siya na-realize and then nung pumasok na ako sa show business talagang tinago ko siya hangga’t kaya ko,” pagbabahagi ni Klea.

Ngunit habang tumatagal ay nahihirapan na siyang itago ang tunay niyang pagkatao.

Baka Bet Mo: Klea Pineda game pa ring makipaghalikan sa lalaki kahit umaming ‘gay’, pinuri ng kapwa celebs: ‘Ang tapang! Go, go, go!’

“Parang lumalabas na siya nang lumalabas na hindi ko na siya mapigilan and I think ito na ‘yung feeling na kailangan ko na siyang gawin, kailangan ko na siyang bitawan,” lahad ng Kapuso star.

Ang kanyang nanay daw ang unang nakabisto na isa siyang lesbian, “Hindi ko kasi sa kanila inamin e, actually nahuli ako. Pinahawak ko lang ‘yung phone ko sa sister ko, ‘yung sister ko iniwan niya lang ‘yung phone ko sa car, ganyan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Klea Pineda (@kleapineda)


“Tapos nakita ni Mommy, naka-on lang yung phone ko, tapos nakita niya ‘yung conversation ko with my best friend na girl ‘yung high school, high school days ‘yan. Tapos ‘yon. Doon nila nalaman,” sey pa ni Klea.

Hindi rin daw agad siya natanggap ng kanyang mga magulang, “Siyempre may things talaga na ganu’n sa parents, hindi naman mawawala ‘yon and I’m sure ‘yung sa iba mas masakit ‘yung nararanasan nila up to now.”

Patuloy pa niya, “But I’m very lucky siguro. I’m one of the luckiest talaga na binigyan ako ng parents na ganito na very supportive. Hindi pinaramdam sa akin na may mali sa akin.

“And siyempre mas pinapaintindi ko sa kanila na masaya ako. ‘Ma, Pa masaya ako sa desisyon ko, sa kung sino talaga ako.’ And happy ako na wala akong narinig sa kanila na kahit na anong masasakit, tinanggap nila,” sey pa ng StarStruck Season 6 Ultimate Survivor.

Dating sexy star maligaya na sa piling ng lesbian lover, hindi raw naging happy sa ex-hubby

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janno nakipag-date sa tibo: Ako ang first experience niya tapos nabalitaan ko lesbian na ulit siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending