Jane de Leon sa mga nagsi-ship sa kanila ni Janela Salvador: 'If kaligayahan nila yun, ibibigay namin'

Jane de Leon sa mga nagsi-ship sa kanila ni Janela Salvador: ‘If kaligayahan nila yun, ibibigay namin’

Ervin Santiago |November 16,2023
facebook
share this

Jane de Leon sa mga nagsi-ship sa kanila ni Janela Salvador: ‘If kaligayahan nila yun, ibibigay namin’

Ervin Santiago - November 16, 2023 - 02:51 PM

Jane de Leon sa mga nagsi-ship sa kanila ni Janela Salvador: 'If kaligayahan nila yun, ibibigay namin'

Jane de Leon at Janella Salvador

SIGURADONG supalpal ang mga bashers ni Jane de Leon na nagsasabing wala na raw siyang career after niyang bumida sa TV remake ng “Darna” sa ABS-CBN.

Isa si Jane sa mga bibida sa “Shake, Rattle & Roll Extreme” ng Regal Entertainment, sa episode na “Rage” at bukod dito ay may lima pa siyang gagawing pelikula.

Aside from this, next year ay magkakaroon na rin siya ng follow-up teleserye sa ABS-CBN after “Darna.”

Kamakailan ay in-announce na ang next movie ni Jane na “How To Be A Good Wife” kung saan makakasama niya ang co-star niya sa “Darna” na si Janella Salvador. Ito’y mula sa direksiyon ni Jun Robles Lana.

Dahil dito, natuwa ang kanilang mga fans na matagal nang nagre-request na pagsamahin sila uli sa isang project. Sa katunayan, trending talaga ang litrato nina Jane at Janella sa social media.

Ayaw pang sabihin ni Jane kung GL (Girls Love) ba ang tema ng “How To Be A Good Wife” na siyang inaasahan ng kanilang supporters. Sey ng aktres, walang problema sa kanya ang pagsi-ship ng fans sa tambalan nila ni Janella.

“If kaligayahan nila yun, ibibigay namin. Kasi, nag-e-enjoy din naman kami. Sobrang nagpapasalamat kami sa mga fans.

Baka Bet Mo: Jane de Leon sa viral ‘snobbing issue’ sa isang event: Don’t believe everything you see on social media

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Grabe! Hindi siya normal sa show business kasi, e, yung magkaroon ng ganitong clamor, di ba? So, natutuwa kami, we spread positivity with everyone.

“Iniingatan naman namin yung image namin, especially those people na…may mga humahanga sa amin, the young ones, even the adults.

“Nagiging magandang halimbawa pa rin kami sa kanila. That’s why everything na nangyayari, and despite of yung LGBT… we support the LGBT community,” pahayag ni Jane “Shake, Rattle & Roll Extreme” last Tuesday, November 14.

Sa tanong kung nao-offend ba sila ni Janella kapag may nagdududa o kumukuwestiyon sa sexual preference nila, “No. Bakit kami mao-offend? It’s LGBT. They’re still human. And kami, kung ano man kami, proud kami sa sarili namin.

“Importante lang naman is mag-spread ka lang ng positive vibes. Hindi siya negative, e. It’s not negative.

“Hindi ko ma-put in mind kung paano siya magiging negative sa ibang tao. Sana, they learn how to respect the community because ayun ang ginagawa namin.

“That’s why they respect us because we respect them,” ani Jane na umaming dalawang lesbian ang nagparamdam sa kanya na noong nasa high school siya.

Paglalarawan pa niya sa friendship nila ni Janella na gumanap na Valentina sa “Darna”, “Sisterhood na wala sa iba.

“Siguro pero hindi ko masasabi, siguro meron din ang iba. Pero sa showbiz kasi, bihira ka lang talagang makahanap ng artistang kaibigan na alam mong anytime nandiyan for you.

“Na hindi ka idya-judge. Sobrang na-appreciate namin yun sa isa’t isa, ganu’n ka-huge yung love and relationship namin for each other. Na kapag may problems kami, ups and downs, nandiyan kami (para sa isa’t isa),” aniya pa.

“I super love Janella. And I know she loves me too, super!” pahabol pa niya

Naibalita rin ni Jane na magbabakasyon siya at ang kanyang pamilya sa Amerika bago magtapos ang November dahil doon siya magse-celebrate ng kanyang birthday.

Ngunit babalik siya sa Pilipinas bago mag-showing ang “Shake, Rattle & Roll Extreme” sa November 29 at nangako rin siya na darating sa premiere night ng movie sa November 24, sa SM Megamall.

Kasama rin sa “SSR Extreme” sina Iza Calzado, Jane Oineza, RK Bagatsing, Paolo Gumabao, Paul Salas, Rob Gomez, Angel Guardian, Miggs Cuaderno, Ninong Ry, Phi Palmos, Sarah Edwards at Francis Mata. Showing na ito sa mga sinehan nationwide simula sa November 29.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jane de Leon bumusina kay Janine Gutierrez: ‘Crush ko kasi talaga si Paulo Avelino, alam niya ‘yun!’

Jane de Leon nangungulila pa rin sa yumaong ama makalipas ang 8 taon: ‘I miss you terribly lalo na po yung mga bonding moments natin’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending