Jane de Leon nangungulila pa rin sa yumaong ama makalipas ang 8 taon: 'I miss you terribly lalo na po yung mga bonding moments natin' | Bandera

Jane de Leon nangungulila pa rin sa yumaong ama makalipas ang 8 taon: ‘I miss you terribly lalo na po yung mga bonding moments natin’

Ervin Santiago |September 03,2023
facebook
share this

Jane de Leon nangungulila pa rin sa yumaong ama makalipas ang 8 taon: ‘I miss you terribly lalo na po yung mga bonding moments natin’

Ervin Santiago - September 03, 2023 - 07:04 AM

Jane de Leon nangungulila pa rin sa yumaong ama makalipas ang 8 taon: 'I miss you terribly lalo na po yung mga bonding moments natin'

Jane de Leon at ang amang si Rouel de Leon

NAGING emosyonal ang Kapamilya actress na Jane de Leon nang alalahanin ang ika-8 taon ng pagkamatay ng kanyang amang si Rouel de Leon.

Sa pamamagitan ng social media, muling nagbigay-pugay ang dalaga sa yumaong ama kalakip ang kanyang throwback photo na kuha noong baby pa siya kung saan magkasama sila ng ama.

Aniya sa caption, “It’s your 8th Year Death Anniversary Papa Rouel. I miss you terribly lalo na po yung mga bonding moments natin.

“Wish you’re still here with us specially now that God gave us opportunities and blessings that we want to share with you sana because you deserve it.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


“But alam ko po that God allowed things to happen for a reason. Basta Papa just remember, na mahal na mahal po kita,” mensahe ni Jane sa kanyang tatay.

Matatandaang namatay ang ama ni Jane noong August, 2016 matapos itong makipaglaban sa lung cancer.

“Actually po si Papa, he already passed away. And ‘yun nga po ‘yung nakakalungkot kasi hindi nung namatay si dad, hindi ko man lang siya nalibre sa mga restaurants. Hindi man lang niya po naabutan kung nasaan po ako ngayon,” ang pahayag ni Jane sa YouTube vlog ni Ogie Diaz.

Baka Bet Mo: Jane de Leon idol na idol si Angel Aquino: ‘She’s like a mother, ate and bestfriend to me, hindi siya nagdya-judge ng tao’

“Kahit ‘yung donut nga lang, favorite niya po kasi ‘yun. So, kung nabubuhay po si Papa ngayon, kahit isang buong branch pa po yata ng donut ibibigay ko sa kanya.

“Gusto kong ipa-experience po sa kanya lahat ng sarap ng buhay na meron kami ngayon ni Mama,” pahayag ni Jane sa nasabing panayam.

Inamin din ng dalaga na bumida sa Kapamilya fantasy-action series na “Darna”, na hindi masyadong agree ang ama sa pagpasok niya sa showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


“Actually si Papa, ayaw niyang mag-artista ako. Number one basher ko po ‘yun. Kasi palabas daw po lagi ‘yung pera. Parang, ‘Wala man lang bayad ‘yang in-audition niyo.’ Puro na lang palabas ‘yung pera, pamasahe na naman.’

“Tapos dumating sa point na kailangan namin magtago ni Mama. Lalabas kami ng bahay, dapat hindi niya kami makikita kasi mag-o-audition ako,” pag-alala pa ni Jane.

Patuloy pang rebelasyon ni Jane, “Simula nung nawala si Papa, parang ako na po ‘yung pumalit na head of the family. Ngayon sobrang naramdaman ko na po kung bakit ganun siya, kasi parang nagiging ganun na rin po ako.

“Hindi naman sa nagiging matigas, pero parang kailangan kong maging strong for my family. Kailangan kong maging malakas para sa kanila,” aniya pa.

Jane de Leon nag-sorry sa mga fans; kakaririn ang pagda-drums, martial arts at pagmo-motor

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jane de Leon may 3 aktor na naging dyowa: ‘Lahat secret, wala talagang nakaalam kahit sa mga friends ko’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending