Jane de Leon nag-sorry sa mga fans; kakaririn ang pagda-drums, martial arts at pagmo-motor | Bandera

Jane de Leon nag-sorry sa mga fans; kakaririn ang pagda-drums, martial arts at pagmo-motor

Ervin Santiago |June 13,2023
facebook
share this

Jane de Leon nag-sorry sa mga fans; kakaririn ang pagda-drums, martial arts at pagmo-motor

Ervin Santiago - June 13, 2023 - 07:25 AM

Jane de Leon nag-sorry sa mga fans; kakaririn ang pagda-drums, martial arts at pagmo-motor

Jane de Leon

NAG-SORRY ang Kapamilya actress na si Jane de Leon sa lahat ng kanyang fans at social media followers sa pamamagitan ng bago niyang vlog sa YouTube.

Matagal hindi nakagawa ng content ang dalaga para sa kanyang YouTube channel dahil naging busy siya sa ABS-CBN action-fantasy series na “Darna” at sa iba pa niyang commitments.

Kaya naman sa bago niyang vlog ay ibinahagi niya ang ilang mga kaganapan sa kanyang showbiz career at personal life.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


Ayon kay Jane, pagkatapos umere ng “Darna” nitong unang bahagi ng 2023 ay naglaan talaga siya ng mahabang panahon para sa kanyang pamilya at ilang natanguang showbiz events.

Sa bago niyang YouTube entry na may titulong “MEET JANE: Long Time No See” sinimulan niya ang kanyang mensahe sa pamamagita ng isang “apology”.

“HI it’s me, myself and I and long time no see sa inyong lahat, grabe. I think months na ata yung nakakalipas.

Baka Bet Mo: Jane de Leon umamin: Sa totoo lang po, hindi ko rin alam kung bakit ako ang napiling Darna

“Wala pa namang taon na hindi tayo nagkikita and I’m really sorry na ngayon na lang ulit ako nakapag-release ng vlog kasi alam naman nating lahat na na-busy ako at kakatapos lang ng project na ginawa ko which is ang Darna,” pagbabahagi ni Jane.

“And I’m really happy with my team. Even though it’s not 100% perfect but I know that we really did our best.

“Other than that, madami pa akong work na ginagawa na shoots out of country and out of town and sobrang blessed naman ako,” dagdag niyang pahayag.

“Ngayon, siguro nagpo-focus muna ako with my family kasi last time kulang din yung time na binigay ko sa kanila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


“But now na medyo lumuluwag na yung schedule ko for now kaya nakagawa din ako ng vlogs. Sana magtuluy-tuloy na,” aniya pa.

Ipinakita ng dalaga sa bago niyang vlog ang pagbabakasyon niya sa Bangkok, “Pumunta ako sa Thailand with my family. So mas marami kami ngayon with kuya Nico and kuya Bong unlike before na pumunta kami sa Singapore na apat lang kami nila mama. Ngayon mas masaya kasi marami kami.

“And ang pinakagusto ko sa Thailand is yung mga street food. Grabe, sobrang sarap and sobrang maanghang talaga yung mga pagkain.

“And ang maganda pa du’n, sobrang mura pa ng mga damit. Mapapa-shopping ka talaga. Mura and maganda naman ‘yung mga fabric.

“Hindi naman chipipay ‘yung mga damit dun so madadala mo talaga siya sa PIlipinas lalo na sa mga mahihilig mag-OOTD,” masayang chika pa ni Jane.

Nagkuwento rin siya tungkol sa pagpunta nila sa Japan last Holy Week, “Super isa talaga sa pinaghandaan kong country ‘yun and never ko talaga makakalimutan.

“Nasanay talaga ‘yung body ko na lumabas and to explore that country. Especially the food, the technology, and isa talaga sa ma-re-recommend ko na country ‘yung Japan at babalik ako du’n,” kuwento pa ng Kapamilya star.

Sa huling bahagi ng video, nagbigay naman siya na updates about her acting career, “May upcoming projects akong gagawin. More on movies, hindi ko muna mari-release ngayon at hindi ko muna masasabi sa inyo.

“Siguro malalaman niyo yun sa takdang panahon kaya abangan nating lahat yun,” sey ni Jane.

“I’m trying to do new things sa life ko especially ‘yung pagda-drums, ipo-proceed ko na rin po ‘yun and other martial arts like nagta-try din po ako para kapag sumabak po ulit sa mga action, hindi po mabigla ‘yung katawan ko. Nag-aaral na rin po akong mag-motor.

“For future projects…and mahilig po talaga ako sa mga extreme po talaga na activities. Natsa-challenge po kasi ako lagi. Especially kapag mag-i-start na ‘yung projects and movies namin.

“Magiging madugo kasi tuloy-tuloy. Kasi after the first movie, diretso po ulit ako sa second project,” dagdag pang chika ni Darna.

Jane nakaranas ding mag-ulam ng asin, toyo’t mantika at ‘ligaw na manok’: Natulog din kami ni Mama sa gilid-gilid ng MRT

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jane de Leon may 3 aktor na naging dyowa: ‘Lahat secret, wala talagang nakaalam kahit sa mga friends ko’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending