JC’s Top 30 Qualifiers nasilayan ang ‘Magical Winter Wonderland’ ng Hokkaido, Japan
NGAYONG Disyembre, ang JC’s Top 30 Qualifiers ay naglakbay sa Hokkaido, Japan para maranasan ang kilalang-kilalang charm ng snow holiday ng lugar.
Mula December 3 hanggang 8, ang mga qualifiers ay sumabak sa isang hindi malilimutang travel incentive kung saan nasilayan ang kagandahan ng Hokkaido, natikman ang mga lokal na pagkain, at nasaksihan ang masiglang diwa ng nalalapit na kapaskuhan.
Kasama rin nila sa buong biyahe si Vice President & CFO Carlito Macadangdang na patuloy na nagbigay ng suporta at inspirasyon sa grupo.
Ang paglalakbay ay nagsimula nung December 3 sa isang masayang pagdating sa Hokkaido, kung saan dumating ang grupo sa Sapporo, ang buhay na kabisera ng Hokkaido.
Ang grupo ay nag stay sa isang hotel na matatagpuan sa gitna ng lungsod.
Baka Bet Mo: Juday nagka-trauma sa matinding snow, pero handa nang harapin ang kinatatakutan sa gagawing horror movie
Isang mainit at malugod na pagtanggap para sa mga top qualifiers habang inihahanda ang kanilang sarili para sa mga kapanapanabik na araw.
Ang araw ng December 4 ay inilaan para sa isang free day upang maranasan ang buhay sa Sapporo nang walang pagmamadali.
Matapos mag-agahan, nagsimula silang maglakbay sa mga iconic na kalsada ng lungsod at binisita ang mga lokal na tanawin.
Sa gabi, nagsama-sama sila para sa isang espesyal na hapunan sa isang kalapit na ski resort, kung saan natikman nila ang pinakamasarap na lokal na pagkain habang tinatanaw ang snow-covered na tanawin.
Ang malamlam na tagpo ng taglamig ay naging perpektong simula ng kanilang holiday season.
Kinabukasan, Dece,ber 5, ang grupo ay mas lalo pang nahulog sa ganda ng Hokkaido sa pamamagitan ng pagtuklas sa mga kultural na yaman ng Sapporo.
Nagsimula sila sa pagbisita sa Royce Chocolate Factory, kung saan nakita nila ang masusing proseso ng paggawa ng tsokolate at natikman ang ilan sa pinakamahusay na mga tsokolate ng Japan.
Sinundan ito ng isang shopping spree sa Mitsui Outlet Park sa Sapporo Kitahiroshima, kung saan nakakita sila ng mga hindi matatawarang deal sa mga lokal na brand.
Sa sumunod na araw December 6, ang grupo ay nagtungo sa Hokkaido Jingu, isa sa pinakapinahahalagahan na shrine sa rehiyon.
Sa pagpasok sa payapang kapaligiran ng shrine at mga tradisyunal na arkitektura, naranasan nila ang katahimikan bago bumalik sa hotel para maghapunan.
Pagsapit ng December 7, pagkatapos ng agahan, naglakbay ang grupo mula Sapporo patungong Noboribetsu Ski Resort, kilala sa mga natural na hot spring at ski slopes.
Humanga ang grupo sa ganda ng mga snow-covered na bundok at sabik na naghanda para sa kanilang susunod na ski adventure.
Mula Noboribetsu, ang grupo ay nagtuloy sa Niseko Hanazono Ski Resort, isa sa mga pinakaprestihiyosong ski destination ng Japan.
Sa paligid ng malinis na snow, kamangha-manghang tanawin, at world-class ski facilities, natapos nila ang kanilang winter adventure sa isang perpektong paraan.
At ‘nung December 8, pagkatapos ng isang hindi malilimutang paglalakbay na puno ng tawanan, mga natutunan, at mga bonding moments, nagpaalam ang mga qualifiers sa Hokkaido at bumalik sa Manila.
Sa buong biyahe, ang presensya ni Vice President & CFO Carlito Macadangdang ay nagsilbing matibay na haligi ng suporta at gabay para sa mga qualifiers.
Ang dedikasyon ng grupo sa kanilang pagsusumikap sa JC ay napahalagahan sa pamamagitan ng travel incentive na nagbigay ng espesyal na halaga sa kanilang holiday trip.
Hindi lamang natamo ng mga top qualifiers ang isang nararapat na pahinga, kundi pati na rin ang pagpapalakas ng kanilang samahan sa isa’t isa at sa kumpanya.
Ang hindi malilimutang paglalakbay na ito sa Hokkaido ay hindi lang tungkol sa snow at tanawin kundi ito ay isang paalala ng kahalagahan ng pagsusumikap, dedikasyon, at pagtutulungan.
Salamat sa vision at matatag na pamumuno nina President at CEO Jonathan So at Vice Presidente & CFO Carlito Macadangdang, nagkaroon ang JC’s Top 30 Qualifiers ng isang incentive travel na tumatak sa kanilang mga alaala at magbibigay inspirasyon sa buong buhay nila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.