11th death anniversary ni Dolphy inalala ni Zsa Zsa, ng mga anak at cast ng 'Home Along Da Riles: 'You are remembered everyday' | Bandera

11th death anniversary ni Dolphy inalala ni Zsa Zsa, ng mga anak at cast ng ‘Home Along Da Riles: ‘You are remembered everyday’

Therese Arceo |July 11,2023
facebook
share this

11th death anniversary ni Dolphy inalala ni Zsa Zsa, ng mga anak at cast ng ‘Home Along Da Riles: ‘You are remembered everyday’

Therese Arceo - July 11, 2023 - 04:47 PM

11th death anniversary ni Dolphy inalala ni Zsa Zsa, ng mga anak at cast ng 'Home Along Da Riles: 'You are remembered everyday'

BINISITA ng Kapamilya singer-actress na si Zsa Zsa Padilla ang kanyang dating partner na si Dolphy bilang paggunita ng ika-11th anniversary ng pagkamatay nito.

Kahapon, July 10, sa pamamagitan ng Instagram post ay ibinahagi nito ang kanyang pagpunta sa The Heritage Memorial Park sa Taguig kung saan nakalibing ang mga labi ng nag-iisang Comedy King.

“Today is the 11th death anniversary of Dolphy. Please say a little prayer for him,” saad ni Zsa Zsa sa kanyang caption.

Nagpasalamat naman ang isa sa mga anak ng komedyante sa dating karelasyon ng ama sa pagbisita nito.

“The beautiful flower arrangement as always. thanks @zsazsapadilla!” saad ni Eric Quizon.

Bukod kay Zsa Zsa ay marami pa rin ang patuloy na gumugunita at nakakaalala sa nag-iisang Dolphy lalo na ang kanyang mga anak.

“You are remembered everyday, especially today.

Baka Bet Mo: Zsa Zsa muling dumalaw sa puntod ni Dolphy, ginunita ang 10th death anniversary ng Comedy King; Zia nag-alay ng tula sa ama

“It has been [11] years,” saad ni Eric sa kanyang post kalakip ang larawan nilang mag-ama.

Maging ang mga cast ng comedy series na “Home Along Da Riles” ay hindi nakalimot alalahanin si Dolphy na gumanap bilang si Cosme sa naturang sitcom.

Sa kani-kanilang Instagram account ay ibinahagi nito ang paggunita sa comedy king.

Matatandaang kamakailan lang nang magkaroon ng mini reunion ang mga casts ng naturang sitcom na sina Vandolph, Boy2 Quizon, Claudine Barretto, Gio Alvarez,Maybelyn dela Cruz, Brod Pete matapos nilang dumalo sa binyag ng panganay ng anak ni Smokey Manaloto na isa rin sa cast ng “Home Along Da Riles”.

Dolphy, born Rodolfo Vera Quizon Sr., passed away due to obstructive pulmonary disease in July 2012. He was 83 years old.

Pumanaw si Dolphy o si Rodolfo Vera Quizon Sr. Sa edad na 83 noong July 2012 dahil sa sakit nitong obstructive pulmunary disease.

Ilan sa mga programang pinagbidahan maliban sa “Home Along Da Riles” ay ang “John En Marsha,” Mars Ravelo’s “Facifica Falayfay” at ang Lino Brocka-helmed movie na “Ang Tatay Kong Nanay.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
#Anyare: Zsa Zsa biglang napaiyak pagkatapos kumanta kasama sina Regine at Angeline

Love story nina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao nagsimula sa blind date; pinayuhan nina Sharon at Kris tungkol sa pag-ibig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending