Love story nina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao nagsimula sa blind date; pinayuhan nina Sharon at Kris tungkol sa pag-ibig | Bandera

Love story nina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao nagsimula sa blind date; pinayuhan nina Sharon at Kris tungkol sa pag-ibig

Ervin Santiago |March 23,2023
facebook
share this

Love story nina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao nagsimula sa blind date; pinayuhan nina Sharon at Kris tungkol sa pag-ibig

Ervin Santiago - March 23, 2023 - 07:02 AM

Love story nina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao nagsimula sa blind date; pinayuhan nina Sharon at Kris tungkol sa pag-ibig

Karylle, Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao

PRODUKTO pala ng “blind date” ang relasyon ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa kanyang fiancé na si Conrad Onglao.

Inamin ng 58-anyos na TV host-actress at singer na hindi talaga niya naramdaman ang spark noong mga unang araw ng pagde-date nila ni Conrad na 67 years old na ngayon.

Sa panayam ni Korina Sanchez kay Zsa Zsa sa programa nitong “Korina Interviews” sa Net25 na ipinalabas last Sunday, March 19, 2023, napag-usapan nga ang pagsisimula ng love story nila ng kanyang future husband.

Taong 2014 daw nu’ng una silang magkita sa pamamagitan ng blind date at diretsahan ngang sinabi ni Zsa Zsa na waley siyang na-feel na magic o sparks sa kilalaang architect.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla)


“Actually, wala naman akong plano ma-in love. Ito, tumawag si Sharon Cuneta, ‘Zheng, are you open to dating?’

“Sabi ko, kasi two years na rin nu’n, sabi ko, ‘Yeah, I thought about it.’ And advice sa akin ni Kris Aquino, tanggalin ko yung mga gamit para daw to, you know, invite somebody else, in my life,” simulang chika ng singer.

Ang tinutukoy na “mga gamit” ng Divine Diva ay ang naiwang kagamitan ng kanyang longtime partner na si Mang Dolphy. Tumagal ng 23 years ang pagsasama nila ng Comedy King na sumakabilang-buhay noong 2012.

“So, nag-umpisa na akong mag-storage kasi ang dami. Yung attic namin, nandu’n pa lahat ng damit niya (Dolphy), mga gamit niya, unti-unti na akong nagligpit.

Baka Bet Mo: Zsa Zsa muling dumalaw sa puntod ni Dolphy, ginunita ang 10th death anniversary ng Comedy King; Zia nag-alay ng tula sa ama

“And true enough, he (Conrad) came. So, sabi ko, ‘Yes, I wanna give it a try,’ and I did,” chika ni Zsa Zsa patungkol sa blind date.

“No sparks, none. Parang, ‘Yeah, he can be my friend, He was funny, he was nice.’ And madali sa loob naman.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla)


“And so we parted ways. Later on, sinabi sa akin ni Condrad, ‘Why you didn’t look back?’ ‘Why would I look back?’ Wala nga sparks, e,” lahad ng aktres.

Pagpapatuloy pa niya, “I even told Sharon. Sabi niya, ‘How was it?’ Sabi ko, ‘No sparks, e.’ Sabi niya, ‘O, ganu’n ba, Zheng?’ And what happened next, we gave it a try, and du’n na, we clicked. I really gave him a hard time pala.”

Sa ngayon, nine years na silang magkarelasyon kaya ang sumunod na tanong ni Korina, paano nila napatagal ng nine years ang kanilang pagsasama.

“Kasi yung sa amin nga, I’ll tell people, ‘It’s a mature kind of love already.’ He’s nine years my senior also. So, parang sabi ko na hindi na kami yung pa-tweetums na, ‘I’m so in love, I’m just like waiting.’

“Ako, I’m gone past that already. I was the one with the rules pa. Sabi ko, ‘Conrad, pag nasa taping ako, shooting, walang tawagan, ha. It means I’m working.’

“Ako pa nagsi-set ng rules na ganu’n. ‘Okay, I’ll call you 12 noon, I’ll call you 7 p.m.,’ yun na yun. ‘And then Im going home.’ We have to keep that distance,” paliwanag pa niya.

Nag-propose si Conrad kay Zsa Zsa noong 2015 pero until now ay wala pang  ina-announce ang engaged couple kung kailan talaga sila ikakasal.

Zsa Zsa Padilla, Conrad Onglao nag-celebrate ng 8th anniversary

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Regine, Ogie nagpa-dinner sa ilang Kapamilya stars, Pops super enjoy: Masakit pa tiyan ko sa katatawa!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending