Zsa Zsa Padilla, Conrad Onglao nag-celebrate ng 8th anniversary | Bandera

Zsa Zsa Padilla, Conrad Onglao nag-celebrate ng 8th anniversary

Therese Arceo |March 02,2022
facebook
share this

Zsa Zsa Padilla, Conrad Onglao nag-celebrate ng 8th anniversary

Therese Arceo - March 02, 2022 - 10:04 PM

Zsa Zsa Padilla, Conrad Onglao nag-celebrate ng 8th anniversary
LOVE is in the air para sa Kapamilya singer-actress na si Zsa Zsa Padilla at sa kanyang non-showbiz dyowa na si Architect Conrad Onglao.

Ibinahagi ng Kapamilya star sa kanyang Instagram account ang kanilang larawan ni Conrad pati na rin ang latest video nila na magkasama.

“Happy 8th, Conrad. Love will never do without you,” saad ni Zsa Zsa.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla)

 

Unang nagkakilala ang dalawa nang ipakilala sila sa isa’t isa ng Megastar na si Sharon Cuneta, kaibigan ng arkitekto.

Inulan naman ng pagbati ang post ng Kapamilya singer mula sa mga taong malalapit sa kanila.

Naging magkarelasyon naman sila ni Zsa Zsa noong 2014.

Base nga sa kanyang interview noon sa ABS-CBN News, hindi niya inaasahan o hindi nakaplano na ma-inlove siya kay Conrad.

Noong mga panahong kasi na ‘yun ay kamamatay lamang ng kanyang long-term partner, ang King of Comedy na si Dolphy.

“Sabi nga nila isang taon ang pagluluksa. Ayun, hindi mo naman masasabi. Kapag talagang may dumating na sa palagay mo siya na ‘yun, [wala ka nang magagawa]. Saka hindi na tayo bagets,” saad ng mangangawit noong aminin niya na pumayag na siyang makipag-date kay Conrad matapos ang pagluluksa kay Dolphy.

Dagdag pa niya, “Sobrang saya. Talagang napaka-blessed ko na dumating si Architect Conrad sa buhay ko kasi before that, mahirap talaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matapos ang pagiging magkarelasyon ng dalawang taon ay naghiwalay ang dalwa ngunit marahil ay may kakaibang paraan ang tadhana dahil muli silang nagkabalikan matapos silang muling magkita sa isang mall sa Makati at ngayon nga ay walong taon na ang kanilang relasyon.

Related Chika:
#Anyare: Zsa Zsa biglang napaiyak pagkatapos kumanta kasama sina Regine at Angeline
Regine ‘nag-walkout’ dahil kina Maymay at Zsa Zsa…anyare?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending