Regine 'nag-walkout' dahil kina Maymay at Zsa Zsa...anyare? Bandera

Regine ‘nag-walkout’ dahil kina Maymay at Zsa Zsa…anyare?

Therese Arceo |December 07,2021
share this

Regine ‘nag-walkout’ dahil kina Maymay at Zsa Zsa…anyare?

Therese Arceo December 07, 2021 - 06:23 PM

Regine 'nag-walkout' dahil kina Maymay at Zsa Zsa...anyare?

PABIRONG nag-walkout si Regine Velasquez nang makita ang todo bigay na pagsayaw at pag-emote ni Maymay Entrata kasama si Zsa Zsa Padilla.

Sa video na ibinahagi ni Zsa Zsa ay feel na feel nito ang pag-indak sa kantang “Amakabogera” ni Maymay Entrata.

Sa sumunod na clip ay kuha na sa labas ng ABS-CBN studio kung saan kita si Regine na dapat sana ay sasama kina Zsa Zsa ag Maymay sa pagsasayaw ngunit nang malapit na siya sa dalawa ay napahinto na lamang siya sa gitna at pinanood ang kabogera moves nina Maymay at Zsa Zsa.

Sa huli ay nagdesisyon na lamang itong umalis at mag-walk out dahil mukhang hindi niya matatapatan ang taas ng energy ng “Amakabogera” Queen na si Maymay Entrata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla)

Kita rin sa background si Gary Valenciano na umiiling-iling pa habang pinapanood ang eksena nina Regine, Zsa Zsa, at Maymay.

Marami naman ang naaliw sa video ng tatlo na mah special participation pa ni Mr. Pure Energy.

“Ang cute n’yo po. Nakakatuwa sa likod si Ms. Regine at Sir Gary,” saad ng netizen.

“Ms. Zsa Zsa grabe iling iling ni pure energy @garyvalenciano sa likod,” comment pa ng isang netizen.

“Bakit nag-walk out Ms. Regine! Nakasilip pa talaga sa likod si Sir Gary naiiling iling pa,” sabi naman ng isang netizen.

“Ang cute! Tawang tawa ako kay Ate Regine!” hirit ng isa pang netizen.

Hindi rin nakaligtas sa mata ng netizens ang gila hindi kumukupas na ganda nina Regine at Zsa Zsa na tila papsa raw bilang ka-edad ni Maymay.

May ilan rin na nag-request na sana ay mas marami pa silang mapanood na collab videos nina Zsa Zsa at Regine dahil aliw na aliw talaga sila sa kanilang kakulitan.

Related Chika:
Zsa Zsa hindi nahawa ng COVID, pumunta sa US para magpa-MRI scan dahil sa…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending