Zsa Zsa muling dumalaw sa puntod ni Dolphy, ginunita ang 10th death anniversary ng Comedy King; Zia nag-alay ng tula sa ama Bandera

Zsa Zsa muling dumalaw sa puntod ni Dolphy, ginunita ang 10th death anniversary ng Comedy King; Zia nag-alay ng tula sa ama

Ervin Santiago |July 11,2022
share this

Zsa Zsa muling dumalaw sa puntod ni Dolphy, ginunita ang 10th death anniversary ng Comedy King; Zia nag-alay ng tula sa ama

Ervin Santiago - July 11, 2022 - 11:36 AM

Dolphy, Zia Quizon at Zsa Zsa Padilla

HANGGANG ngayon ay buhay na buhay pa rin ang mga alaala ni Comedy King Dolphy sa isip at puso ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla.

Aminado ang veteran singer-actress na miss na miss na niya ang dati niyang partner at palagi niya itong ipinagdarasal kahit isang dekada na itong sumakabilang-buhay.

Kahapon, July 10, muling binisita ni Zsa Zsa ang puntod ni Mang Dolphy bilang pag-alala sa 10th death anniversary nito.

Nag-share ang OPM icon ng litrato niya sa Instagram na kuha sa tabi ng libingan ng yumaong Hari ng Komedya at dito nga niya ipinahiwatig kung gaano niya nami-miss ang dating partner.

“Ten years. Seems like only yesterday when we lost you, but the joy you’ve given will be in our hearts forever.

“Dolphy, you are greatly missed. Thank you,” aniya sa caption.

Nakiusap din siya sa kanyang IG  followers pati na rin sa mga fans ng Comedy King, “Please say a prayer for Dolphy’s 10th death anniversary.”

Namaalam si Dolphy o Rodolfo Quizon Sr. sa tunay na buhay noong July 10, 2012 sa edad na 83. Halos 23 years din silang nagsama ng Divine Diva at biniyayaan ng dalawang anak, sina Nicole at Zia Quizon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla)


Samantala, nagbahagi rin si Zia ng mensahe para sa 10th death anniversary ng ama. Habang isinusulat namin ang balitang ito ay baka patungo na siya sa bansang Serbia kung saan nakatira ang kanyang fiancé na Aleksa.

Sa photo nila ni Mang Dolphy may ibinahaging liham at tula si Zia.

“Dear Papa,
How I miss you,
How I wish that you were here,
To walk me down the aisle,
And smile,
And maybe shed a tear

“I knew this day was coming,
And I knew that you’d be gone,
But still I hear you humming,
Strumming to a joyful song

“No, it isn’t how I planned it,
But he’s all I hoped he’d be,
There is family that’s chosen,
And I chose what’s best for me

“Maybe somewhere you are watching,
Over on some distant star,
And I’m sorry you won’t be here,
But the truth is that you are.”

#Anyare: Zsa Zsa biglang napaiyak pagkatapos kumanta kasama sina Regine at Angeline

Regine ‘nag-walkout’ dahil kina Maymay at Zsa Zsa…anyare?

Zsa Zsa inalala ang ika-93 kaarawan ni Dolphy: You will always be in my heart, Lovey!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending