‘The Fall Guy’ nina Ryan Gosling, Emily Blunt handog para sa stuntmen, crew
STUNTMAN, pero bida sa pelikula.
Ganyan ang magiging peg ng kakaibang bagong action comedy film na “The Fall Guy” na pagbibidahan ng Hollywood stars na sina Ryan Gosling at Emily Blunt.
Ang karakter ni Ryan ay bilang si “Colt” na ilang taon nang nagsisilbing stuntman para sa A-list star na si Tom Ryder na ginagampanan ni Aaron Taylor-Johnson.
Habang ang papel ni Emily ay bilang “Jody,” ang ex-girlfriend ni Colt na isa ring direktor ng ginagawang sci-fi movie.
Baka Bet Mo: 4 international films na babandera sa big screen ngayong Abril
Mapapanood sa trailer na maganda ang takbo ng karera ni Colt bilang stuntman, pero tila naging totoo ang mga maaksyon niyang eksena matapos mabalitaang nawala ang aktor na si Tom.
At para mailigtas ng stuntman ang ginagawang proyekto ng kanyang ex-girlfriend ay naatasan siyang hanapin si Tom hanggang sa natagpuan na nga niya itong patay sa isang bath tub.
Mukhang pasabog ang pelikula dahil ang nagsisilbing direktor nito ay si David Leitch, ang nasa likod ng hit movies katulad ng “Deadpool 2” at “Atomic Blonde.”
Ayon sa inilabas na pahayag ng Universal Pictures, ang “The Fall Guy” ay dedicated para sa mga stuntmen, pati na rin sa mga crew ng Hollywood na gumagawa ng magic behind the scenes upang mabigyan ng kapanapanabik na karanasan ang mga manonood.
Sa press release ng film company, nagbigay ng shout out si Ryan para sa sarili niyang stunt performer sa pelikula na si Logan Holladay.
“There is a moment in the film where he buckles me in for a stunt that he is about to do. Then I get out of the car and he pats me on the back for a stunt that he just did,” sey ng Hollywood actor.
Chika pa niya, “What I love about this movie is in any other film, you would never know that but in this one you do. It’s an opportunity to finally acknowledge the stunt performers and the incredible contribution that they already make to movies.”
Ang “The Fall Guy” ay ang film adaptation ng 80’s classic action show ng parehong titulo.
Ang bagong pelikula ay nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa darating na May 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.