Margot Robbie, Ryan Gosling magtatambal sa live-action film ng ‘Barbie’
NAISIP niyo na ba minsan sakaling mabuhay bilang normal na mga tao ang mga manika na sina Barbie at Ken?
‘Yan ang naging tema ng live-action film na “Barbie” na kung saan ay tampok ang Oscar-nominee actress na si Margot Robbie bilang iconic fashion figurine, at ang Hollywood actor na si Ryan Gosling bilang love interest at boy toy na si Ken.
Sa teaser trailer na inilabas ng Warner Bros. Philippines noong April 5, ipinakita ang mga eksena ni Margot na suot ang signature all-pink outfit ni Barbie.
Bukod pa sa aktres ay mapapanood din na may iba’t-ibang bersyon at mukha ni Barbie gayundin si Ken.
Makikita sa comment section na marami ang excited sa bagong live-action film at bumuhos pa ang mga papuri para rito.
Narito ang mga naging komento:
“I can already see nominations for Best Production Design and Best Costume Design. Looks stellar.”
“I can’t wait for this…. its such a simpleton of ideas … just my kind [laughing face emoji]”
“Omg to the movie and the cast thoooo I might wanna watch lol”
Ang pelikula ay pinagbibidahan din nina Simu Liu, America Ferrera, Will Ferrell, Kate McKinnon, Dua Lipa, at Issa Rae, at marami pang iba.
Ang “Barbie” ay mula sa direksyon ni Greta Gerwig at nakatakda na ipalabas sa Pilipinas sa July 19.
Related Chika:
Hollywood stars Chris Pine, Michelle Rodriguez mala-’Money Heist’ ang peg sa bagong pelikula
True story ng paring exorcist sa Vatican magpapakilabot sa pelikulang ‘The Pope’s Exorcist’
Jennifer Lawrence magpapatawa, magpapainit sa pelikulang ‘No Hard Feelings’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.