Coco inilantad tunay na ugali ni Diwata: Hindi siya sakit ng ulo!

Coco inilantad tunay na ugali ni Diwata: Hindi siya sakit ng ulo!

Ervin Santiago - May 20, 2024 - 04:58 PM

Coco inilantad tunay na ugali ni Diwata: Hindi siya sakit ng ulo!

Diwata, Coco Martin, Ivana Alawi at Irma Adlawan

TODO ang papuri na ibinigay ng Teleserye King na si Coco Martin sa tinaguriang “Pares Diva” na si Diwata o Deo Balbuena sa tunay na buhay.

Mula sa kanyang sikat na sikat at viral na paresan, napapanood na rin ngayon ang social media personality sa Kapamilya primetime action-series na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco.

Gumaganap si Diwata sa serye bilang may-ari ng karinderya at siyang gumagawa ng paraan para magkaaminan na ng feelings sina Tanggol (Coco) and Bubbles (Ivana Alawi).

Baka Bet Mo: Zoren ibinuking si Carmina: Nag-aaway kami sa taping, para akong anak niya na kailangang intindihin

Sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Coco kung paano nakuha ni Diwata ang role niya sa “Batang Quiapo” at kung bakit siya bumilib sa viral paresan owner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“May maliit na eksena na may kakainan kami. Sabi ko try niyo nga ipatawag si Diwata. Kapag pumunta ‘to, ibig sabihin para sa kanya ‘yung role. Eh nagke-creative ako noon, bigla siyang dumating,” ang kuwento ni Coco.

Kasunod nito, talagang kinausap daw niya ng masinsinan si Diwata sakaling tanggapin ang alok niya na maging bahagi ng kanilang serye.

“Alam ko kasi busy siya, eh. And noong dumating siya, tinanong ko siya. Sabi ko ‘gusto mo bang mag-artista?’

“Sabi niya, ‘gusto po.’ ‘Anong artista, gusto mo lang bang masubukan? O gusto mo talagang maging artista?’ ‘Kahit ano po,’ yun ang sagot niya.

“Sabi ko, ‘pasensya ka na ha, alam mo naman sa trabaho namin kapag nagsisimula ka, ganito lang ang buhay.’ ‘Wala pong problema’ sabi niyang ganu’n,” pagbabahagi pa ni Coco sa naturang panayam.

Paliwanag pa niya kay Diwata sakaling tanggapin ang kanilang offer, “May committment ‘yan, kami nagte-taping ng M-W-F (Mondays-Wednesdays-Fridays).

Baka Bet Mo: Diwata OK lang maliit ang kita sa paresan basta may pangsweldo sa tauhan

“Sabi niya, ‘kahit ano po wala pong ano’ kumbaga ‘yung dedication nandoon. Siyempre nakikita ko sobrang lakas ng negosyo niya, busy siya, ang dami niyang nakakausap na tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


Sabi pa raw ni Coco kay Diwata, “‘Sige, kapag dumating ka sa set titignan ko ‘yung kakayanan’. Eh, nu’ng nakita ko, in fairness sa kanya sa first scene, kinakabahan.

“Pero ‘yung mga sumunod na eksena, nare-relax na nakikita ko na mayroon, may husay,” papuri pa ni Coco sa viral Internet sensation.

Pagpapatuloy pa ni Coco, “Ang gusto ko sa kanya, kasi dahil galing din sa baba, alam mo ‘yung naiintindihan niya ‘yung trabaho ng lahat.

‘Hindi siya nagpapahintay, hindi siya sakit ng ulo. Nandu’n lang siya sa isang tabi, tahimik. Tapos nililibre pa nga kami, binibiro namin,” aniya pa patungkol kay Diwata.

Dagdag pang papuri ni Coco, “Ang bait niya. Nakakatuwa na ang sarap tulungan kasi nakikita mo ‘yung tao na gusto niyang iimprove ‘yung buhay niya, ‘yung sarili niya. At alam niya ‘yung puwesto niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang sarap tulungan ‘yung mga taong alam mong may pangarap at gustong may mangyari sa buhay,” sabi pa ng Kapamilya superstar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending