Diwata inokray sa paglilinis sa Manila Bay, unahin daw ang paresan

Diwata inokray sa paglilinis sa Manila Bay, unahin dapat ang paresan

Therese Arceo - October 19, 2024 - 07:08 PM

Diwata inokray sa paglilinis sa Manila Bay, unahin dapat ang paresan

TRENDING ngayon ang paglilinis ng social media personality na si Diwata matapos ang paglilinis nito sa Manila Bay.

Viral nga ngayon sa social media ang video ng kilalang owner mg paresan kung saan makikitang namumulit siya ng mga basura.

Mapapanood sa naturang video na sa sa bawat basura o bagay na makukuha ni Diwata sa dalampasigan ng Manila Bay ay itinatabi niya ang mga bagay na maaari pa niyang maibenta o pwede pang pakinabangan.

Ngunit marami ang kumuwestiyon sa intensyon ng social media personality sa likod ng paglilinis niya.

Baka Bet Mo: Diwata wapakels sa nanlalait sa pagtakbo niya sa 2025: Tuloy ang laban!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sey ng mga netizens, strategy lang daw ito ni Diwata para mapabango ang kanyang pangalan sa publiko.

Matatandaang tatakbo ang social media personality bilang 4th nominee sa ilalim ng Vendors party-list sa darating na 2025 midterm elections.

Hirit pa ng madlang pipol, sana raw ay unahin ni Diwata ang paglilinis sa kanyang paresan bago ang Manila Bay.

“Pero sa Paresan mo puro Disposable gamit nyo pati plastic gloves.. tigil nyo na yan,” saad ng netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment pa ng isa sa ginawa ni Diwata, “Matagal ng madumi yan ngayon mulang naisip maglinis dyan para maka kuha ng boto bukol lang makukuha mo samin.”

“Tama lang yan diwata maglinis ka kc kulang tayu ng janitor wagka nang tumakbo sa election mapapagod kalang masera kinabukasan mo mabuti pa magtinda knalang ng pares marami kapang mapabusog na tao,” sabi pa ng isa.

Wala pa namang inilalabas na pahayag o reaksyon si Diwata hinggil sa isyu at pang-ookray ng madla sa ginawa niyang paglilinis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending