Lalaking nagtatrabaho sa furniture store 'wanted' kay Sunshine Garcia: 'Help please...' | Bandera

Lalaking nagtatrabaho sa furniture store ‘wanted’ kay Sunshine Garcia: ‘Help please…’

Ervin Santiago |February 26,2023
facebook
share this

Lalaking nagtatrabaho sa furniture store ‘wanted’ kay Sunshine Garcia: ‘Help please…’

Ervin Santiago - February 26, 2023 - 11:15 AM

Lalaking nagtatrabaho sa furniture store 'wanted' kay Sunshine Garcia: 'Help please...'

Sunshine Garcia at ang ipinahahanap na staff ng isang furniture store

IPINAHAHANAP ngayon ng aktres at dating member ng SexBomb Dancers na si Sunshine Garcia ang isang lalaking nagpa-picture sa kanya kamakailan.

Ayon kay Sunshine, nagtatrabaho ang nasabing guy sa isang furniture store at kailangan daw niyang mahanap ito dahil nais niyang tuparin ang pangakong binitiwan niya rito pagkatapos nilang mag-selfie.

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Sunshine ang nangyari nang magtungo siya sa isang furniture store. Nais daw sanang magpa-selfie ng lalaking staff doon pero wala itong dalang cellphone.

Bawal daw kasi ang pagdadala ng telepono kapag nasa trabaho. Kaya naman naisip ni Sunshine na ang cellphone na lang niya ang gamitin para makapag-selfie silang dalawa.

“HELP PLS…,” ang simulang caption ni Sunshine sa litrato nila nila ng lalaki.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Garcia-Castro (@sunshine_garcia)


“Gusto magpa-pic ni kuya pero wala syang celfone bawal sa work sabi ko Sige ako na magpicture isesend ko sayo. hindi pala kami close (laughing and crying emoji),” pahayag pa ng dating SexBomb dancer.

Panawagan pa ni Sunshine, “Kaya kung sino man nakakakilala sa kanya pakitag na lang please baka sabihin nya Jinojoke ko sya.”

In fairness, maraming pumuri sa kabaitan ng misis ng aktor at Bulacan Vice Governor na si Alex Castro. Ikinumpara pa nga siya ng mga netizens sa ibang celebrities na mga dedma at  isnabera kapag may gustong magpa-picture sa kanila.

Sana raw ay maging example si Sunshine sa mga artistang napakadamot sa kanilang mga fans na akala mo’y mga anak ng Diyos kung makaasta.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa ginawa ni Sunshine.

“Simple mabait, maganda humble swerte ni Castro sau Ms Shine.”

“Bait talaga ni Mrs. Vice Gov. Sana ako din mka pag pa picture district 1 kmi.”

“Wow hanga tlga aq sau. NpkaHUMBLE u at mabait Ka tlga. Among bise gobernadora Sunshine Garcia kya luv k nmin.”

“Ivan Dominique I. Calma. Ito po yata siya. kaso d po ma TAG.”

Habang isinusulat namin ang chikang ito ay wala pang ipino-post na update si Sunshine kung nakarating na sa naturang lalaki ang mga litrato nila.

Heart excited nang bumili ng mga furniture para sa nakuhang apartment sa Paris: ‘I’ll be there a lot because…’

Miyembro ng all-female group ‘baby’ daw ng mayamang producer; Maris Racal natural na komedyana

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sexbomb Aira na-bash ng fans ni Britney Spears dahil sa paandar na dance video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending