Heart excited nang bumili ng mga furniture para sa nakuhang apartment sa Paris: ‘I’ll be there a lot because…’
IBINALITA ng Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista na mapapadalas muli ang pagpunta niya sa Paris, France sa darating na 2023.
Bukod sa mga natanguang commitments sa nasabing bansa, super excited na rin daw ang aktres sa pag-aayos at pagde-decorate na nakuha niyang apartment sa Paris.
Matatandaang ni-reveal ng tinaguriang Kapuso Queen of Creative Collaborations na nakakuha na siya ng apartment sa Paris na kanyang tutuluyan kapag naroon siya para sa magtrabaho at magpahinga.
Sey ni Heart, looking forward na siya sa paghahanap at pagbili ng mga kakailanganin niyang furniture para sa bago niyang apartment.
“I’m actually excited because this coming January, I’m set to meet Mr. Fornasetti himself, with the Opulence Store.
View this post on Instagram
“They’ll be helping me out put furniture and stuff in my apartment, so I’m very, very excited about that. So, very busy,” ang pahayag ni Heart sa panayam ng GMA Network kamakailan.
Ang tinutukoy ng Kapuso star ay ang Opulence Design Concept na siyang exclusive distributor ng mga luxury furniture brands tulad ng Fornasetti, Versace by Rosenthal, MisuraEmme, at Stosa Cucine.
Kasunod nito, kinumpirma nga ni Heart na very soon ay babalik nga siya sa Paris para sa pagpapatuloy ng kanyang nga naiwang trabaho doon, kabilang na riyan ang kaliwa’t kanang fashion events sa pagpasok ng 2023.
“Definitely, I’ll be there a lot because I’m fixing a lot of the back stuff, my apartment, and maraming work ko nandoon so, I will be travelling to Paris a lot,” ani Heart.
Matatandaang kinumpirma ng aktres na nakakuha na siya ng apartment sa Paris last October, “I just got myself an apartment so I do not really plan to buy anything else because I have like all of my nice furniture.
“I really want it to be very, very nice. And so I am saving up for that. But I’ve also been so busy to do anything, to shop. So the only time that I got to spare is to be on my bed and rest,” aniya.
Pero paglilinaw niya, “No, I’m not living in Paris. I have work here in Paris and work in the Philippines, and kailangan natin ng work, because, you know, kailangan natin maging independent to pay for your stuff and wit hindi humihingi ng anik-anik.
“So kailangan super work tayo. Hindi ako naniniwala na kailangan ano lang, ganun humihingi lang, charot! Hindi tayo ganun, I’m a working girl. Okay?” paliwanag ni Heart.
Heart Evangelista bumili ng bagong apartment, hindi muna babalik ng Pilipinas
KC nakahanap na ng apartment sa US; takot na takot nang manood ng baseball game
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.