Rider itinali ang angkas na pasaherong nakatulog sa sobrang kalasingan
VIRAL sa social media ang video ng isang rider habang bumibiyahe sa kalsada na may sakay na pasahero na nakatali sa kanyang katawan.
Maraming pumuri sa naturang rider dahil talagang inalala niya ang safety ng kanyang pasahero na pinaniniwalaang nakatulog dahil sa matinding kalasingan.
Ang naturang video ay kuha umano ng isang netizen na nagngangalang “Benjie Penalosa” na ipinost sa Facebook page na “Visor” na mabilis na nag-viral sa socmed.
Base sa napanood namin, tulog na tulog ang lalaki na nakasakay at nakatali ng itim na lubid sa likuran ng katawan ng nagmamanehong rider. Makikitang wala ring suot na helmet ang pasahero.
Base naman sa report ng “Frontline Tonight” ng News5, itinali raw ng rider ang kanyang pasahero sa kanyang katawan para hindi mahulog habang bumibiyahe sila. Nakatulog daw ang lalaki dahil sa sobrang kalasingan.
Baka Bet Mo: Raymond Gutierrez nakaligtas sa car accident: Happy to be safe, it could’ve been a lot worse
Narito ang ilang reaksiyon ng mga netizens na nakapanood sa viral video.
“Ang bait nmn nung rider kasi ako lasing nag angkas ako pero dami ko sugat at sakit sa paa at balikat feeling ko na hulog ako at nasagsahan paa ko buti buhay pa ako.”
“Delikado yan..bakit di nalang pinag pahinga mga 3-4 hrs hulas na yan..”
“Kpag nahulog kasalanan ulit ng rider.”
“Mas ok na yan tinali to secure para hindi mahulog kaysa maaksidente at makaaksidente pa ng iba.”
“Kung kaya mo mag inom sa labas ng hanggang walang pang uwi, for sure kaya mo mag bayad ng 4-wheel Grab (or any). Why compromise your safety?”
“Ginawa yan ng kaibigan q noon hindi xa gaanong lasing pero ung kumpare nya sobrang kalasingan ayaw nila paawat sa mga kainuman nila itinali nya sa katawan nya ung kumpare nya bago pa makarating sa bahay nila naaksidente sila ayun pinaglamayan silang dalawa. Nangdamay pa ng driver ng bus. Kapag nakainom o lasing wag na mag motor kc.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.