Miyembro ng all-female group 'baby' daw ng mayamang producer; Maris Racal natural na komedyana | Bandera

Miyembro ng all-female group ‘baby’ daw ng mayamang producer; Maris Racal natural na komedyana

Reggee Bonoan |August 20,2022
facebook
share this

Miyembro ng all-female group ‘baby’ daw ng mayamang producer; Maris Racal natural na komedyana

Reggee Bonoan - August 20, 2022 - 05:24 PM

Guess, guess who!? Mahulaan n’yo kaya kung sino sinetch itetch?

MAIKUKUMPARA sa isang malalim na balon ang producer ng isang grupo ng baguhang dancers na pangarap ding makilala sa international scene.

Nasabi namin ito dahil lahat daw ng hilingin ng mga dancer ay ibinibigay ng produ.

May TV guestings na ang grupo ng baguhang dancers pero parang hindi pa rin kinakagat dahil hindi naman nasusundan ito pati ang pag-guest nila sa isang show na marami ang nanood ay tila hindi naman sila ang hinihiyawan kundi ang iba pang grupo.

Pero keri lang sa producers kahit gumastos pa raw siya ng kahit magkano basta mapasikat at maibigay niya ang lahat para sa grupo, wala raw problema sa pera, ayon pa.

Kasi pala isa sa miyembro ay karelasyon ng producer at itinatago nila ito sa manager ng grupo, hindi lang kami sure kung alam naman ito ng iba pang miyembro.

Medyo natigalgal kami sa tsikang ito ng aming source kasi ang alam namin ay may asawa na ang producer o baka hiwalay na kasi matagal na rin kaming walang balita.

Inisip na lang namin na inspirasyon ng producer ang isa sa miyembro para kahit maglabas siya ng malaking halaga ay keri lang.

Wish naming sumikat ang grupo dahil nalaman namin ang mga hirap nila na pati pag-aaral nila ay hindi na nila naitutuloy.

* * *

Naaliw kami kay Maris Racal dahil likas talaga siyang komedyana kahit hindi siya magpatawa ay maaaliw ka sa mga sinasabi at kilos niya.

Ito siguro ang dahilan kung bakit naaliw sa kanya ang boyfriend niyang si Rico Blanco bukod sa super sweet pa ng singer-actress sa kanyang musikerong dyowa.

Anyway, sa last shooting day ni Maris para sa seryeng “Suntok sa Buwan” kasama sina Aga Muhlach at Elijah Canlas ay nagpa-Samgyupsal siya sa ilang cast and crew na naroon sa shoot.

View this post on Instagram

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)


Si Maris mismo ang namili at nagluto kaya binibiro siya ng leading man niyang si Elijah at nagulat naman si Direk Antoinette Jadaone na naroon din kasama ang direktor ng “Suntok sa Buwan” na si Geo Lomuntad.

Anyway, may kurot sa puso ang kuwento ng serye dahil tungkol ito sa relasyon ng mag-amang Dos (Elijah) at Jimmy Boy (Aga) na maraming pinagdadaanan. Hindi kasi alam ng anak ang nakaraan ng kanyang ama at ngayon ay sinisingil na siya.

Dating courier ng illegal na droga si Aga at kumalas na siya sa sindikato nang magkaanak siya pero hinahabol siya nito at isang transaksyon na lang at pakakawalan na siya pero hindi naman ito nangyari dahil nahuli at nakulong na ang ama ni Elijah.

Masama pa rin ang loob ni Dos na nag-plead ng Guilty si Jimmy Boy kahit iba ang nasa usapan nila.

At dahil sa problema sa ama ay hindi nasipot ni Dos si Trina (Maris) sa usapan nila sa tuktok ng bundok.

Napapanood namin sa YouTube channel ang “Suntok sa Buwan” at talagang aabangan mo dahil pampamilya at marami ang makaka-relate sa ganitong sitwasyon.

Umeere ito sa TV5 tuwing Lunes, Miyerkoles at Huwebes, 7:30 p.m. mula sa Project 8 at Cignal Entertainment.

https://bandera.inquirer.net/285330/maris-umaming-masaya-sa-piling-ni-rico-i-think-it-is-very-obvious

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/285416/showbiz-couple-bigla-na-lang-naghiwalay-may-malalim-na-dahilan-ayon-sa-aktor
https://bandera.inquirer.net/305135/wowowin-choreographer-naghahanap-na-ng-bagong-dancers-ambs-bukas-na-sa-aspiring-talents

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending