Sugar niregaluhan ng bagong kotse ni Willie: Napakabuti mo! | Bandera

Sugar niregaluhan ng bagong kotse ni Willie: Napakabuti mo!

|December 01,2018
facebook
share this

Sugar niregaluhan ng bagong kotse ni Willie: Napakabuti mo!

- December 01, 2018 - 12:10 AM


NATANGGAP na ng TV host-dancer na si Sugar Mercado ang pinakabonggang Christmas gift niya this year.

Ibinandera ng dating Sexbomb Dancer sa kanyang Instagram account kung ano ang iniregalo sa kanya ng Wowowin host na si Willie Revillame – ito’y isang brand new car lang naman!

Nagpasalamat si Sugar sa kanyang Kuya Wil sa pamamagitan ng IG kung saan nag-post siya ng kanyang litrato habang nakaupo sa bago niyang sasakyan.

“Thank you for your big Heart! Mas magiging happy lalo ang Christmas namin ng mga kids ko! We love you. Maraming salamat kuya Wil, napakabuti mo sa aming lahat,” caption ni Sugar.

Maraming followers ni Sugar ang pumuri sa kanya at nagsabing deserving siyang bigyan ng ganu’ng kamahal na regalo ni Willie dahil sa galing niya bilang co-host sa Wowowin.

Ilang netizens din ang nagpahatid sa kanya ng mensahe na nagsasabing bilib sila sa pagiging single mom niya na kahit mag-isa lang siyang nagpapalaki sa anak ay nagagampanan pa rin niya nang maayos ang pagiging nanay.

Siguradong hindi lang si Sugar ang nabiyayaan ng bonggang Pamasko ni Kuya Wil, sure na sure kaming pati ang iba pang kasamahan niya sa Wowowin ay nabigyan na rin ng maagang Christmas gift mula sa TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending