Izzy Trazona deadma sa bashers, 'amazingly at peace' sa kabila ng pambabatikos ng netizens | Bandera

Izzy Trazona deadma sa bashers, ‘amazingly at peace’ sa kabila ng pambabatikos ng netizens

Therese Arceo |September 15,2023
facebook
share this

Izzy Trazona deadma sa bashers, ‘amazingly at peace’ sa kabila ng pambabatikos ng netizens

Therese Arceo - September 15, 2023 - 12:02 PM

Izzy Trazona deadma sa bashers, 'amazingly at peace' sa kabila ng pambabatikos ng netizens

WAPAKELS ang dating Sexbomb member na si Izzy Trazona sa kabila ng kaliwa’t kanang pambabatikos sa kaniya ng madlang netizens.

Ito ay matapos mag-viral ang kanyang open letter para sa panganay na anak na si Andrei na ngayon ay pinasok na ang mundo ng pagda-drag.

Marami sa mga netizens ang hindi nagustuhan ang “confusing” na pahayag ni Izzy matapos ang pagsasapubliko ni Drei sa bagong chapter ng kanyang buhay na nais niyang pasukin.

Maging si Drei na may drag name na Sofia ay nagsalita na rin at sinabing nagsinungaling siya sa naunang interview na suportado siya ng ina upang iiwas ito sa pamba-bash ng netizens.

At sa kabila nga ng mga nangyari ay nananatili namang unbothered si Izzy.

Sa katunayan, sa kanyang latest post nitong Huwebes, September 14, nagpapasalamat siya sa lahat ng mga taong patuloy na nagpapadala ng mensahe ng pagsuporta sa kanya.

Baka Bet Mo: Drag Queen Andrei Trazona naglabas ng sama ng loob kay SexBomb Izzy: ‘I love you so much mom but this isn’t healthy for me anymore’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Thank you Lord for another day! For all the messages, sobrang daming nag pm, thank you with all my heart sa concern and prayers!” saad ni Izzy.

Dagdag pa niya, “And even testimonies of how the Lord worked and changed your lives!
Sobrang daming encouraging messages! Marami pong salamat. Keep the faith!”

Sa kabila ng kontrobersiyang kinasasangkutan ay labis pa rin ang pasasalamat ng dating Sexbomb member.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I am amazingly at peace, the Lord is my shield! I am continously praying and full of hope. I trust my Sovereign God! God bless po!” sey pa ni Izzy.

Related Chika:
Anak ni Sexbomb Izzy super proud drag queen: ‘Wala siyang judgment kahit anong pagpapa-sexy ko! Get! Get! Aw!’

Izzy Trazona tinalakan ng netizens dahil sa pa-‘bible verse’ sa anak na drag queen, tinawag na ‘homophobic’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending