Izzy Trazona tinalakan ng netizens dahil sa pa-'bible verse' sa anak na drag queen, tinawag na 'homophobic' | Bandera

Izzy Trazona tinalakan ng netizens dahil sa pa-‘bible verse’ sa anak na drag queen, tinawag na ‘homophobic’

Therese Arceo - September 14, 2023 - 04:59 PM

Izzy Trazona tinalakan ng netizens dahil sa pa-'bible verse' sa anak na drag queen, tinawag na 'homophobic'

KASALUKUYANG binabatikos sa social media ang dating miyembro ng Sexbomb girls na si Izzy Trazona matapos ang kanyang pa-open letter sa panganay na anak na si Drei.

Matatandaang kamakailan nang ibandera ng kanyang anak sa publiko na isa na siyang drag queen at ang kanyang drag name ay Sofia.

Sinabi pa nga ni Drei sa kanyang interview na full support naman ang kanyang ina na si Izzy maging ang kanyang ama sa kanyang desisyon na pasukin ang mundo ng pagda-drag.

Ngunit makalipas ang ilang araw ay agad na nag-viral ang kanyang mahabang mensahe para sa anak.

Kasunod nito ang naging pag-amin ni Drei na nagsinungaling siya sa interview dahil hindi raw totoo na suportado siya ni Izzy.

Aniya, kaya raw siya nagsinungaling ay para protektahan ang ina sa mga bashers ngunit dahil sa mahabang mensahe nito ay nais na niyang sabihin ang totoo.

Hirit ni Drei kay Izzy, “As much as I love you, you know that I don’t wanna live in a lie. I’m sustaining myself for years now and I am living responsibly honest. I’m tired of this conversation about me being gay and doing drag. I wanna end this argument by saying that ‘| wanna live my own truth and someday you will be proud of what I will become’.

“I love you so much mom but this isn’t healthy for me anymore. I hope someday you will understand how it feels to be in my shoes. I miss you but you’re not bringing me any comfort and compassion I deserve.”

Baka Bet Mo: Drag Queen Andrei Trazona naglabas ng sama ng loob kay SexBomb Izzy: ‘I love you so much mom but this isn’t healthy for me anymore’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kaya naman binatikos ng mga netizens ang dating Sexbomb member dahil sa “laban-bawi” statement nito sa kanyang anak.

“Kasing gulo ng argumento mo yung english mo. Ewan ko sa yo Izzy,” saad ni Atty. Vince Tañada.

Sey naman ng isang netizen, “Hehe sana di mo nlng pinost na di ka suportado sa pagiging drag ng anak mo. Pra mo nading pinaalam sa mundo na ikinahihiya mong naging ganyan anak mo.”

“daming accla ang naokray sayo mii kaya sila naging bilatchina dahil pinalaki sila ng sexbomb nag practice pa sila mag split, barena, panginig, ganurn! Dapat tinext mo na lang kay drei yang hanash mo,” hirit naman ng isang netizen kay Izzy.

May isa pang netizen ang nagsabing nagde-delete daw ang dating Sexbomb member ng mga komentong hindi nito gusto sa kanyang post.

“Tantanan mo ko Izzy!! kaya ako naging ganito dahil sa inyong Sezbomb! nag aral pa ako bumending, split, tumbling para lang manalo sa showdown nung bata ako,” sabi naman ng isa.

Chika pa ng isa, “Ay si delete ng comment [emojis] Sabihin mo nalang homophobic ka.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“IZZY DELETED MY COMMENT. I will say it again, Dahil sa Sexbomb Girls madami kaming mga bakla naging matapang para mag come out maging totoo sa sarili namin. Lagi namin sinasabi na ‘Hindi kami pinalaki ng Sexbomb Girls para bumawi, kaya laban lang.’ I cannot tell you how to mother your child, pero na-sad ako for Drei. Walang magulang na gustong mapahamak ang anak kaya you should be the one to make them feel loved and accepted para kaya nilang maging matapang at humarap sa mapang husgang mundo,” sabi naman ng isa.

Related Chika:
Izzy Trazona miss na ang anak na si Drei, inaming may pagkakataong hindi sila pagkakaunawaan: All I want is for your best

Anak ni Sexbomb Izzy Trazona super proud drag queen: ‘Wala siyang judgment kahit anong pagpapa-sexy ko! Get! Get! Aw!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending