Maxie big winner sa ‘Drag Race Philippines’ season 3
MAY bagong winner at reyna ang “Drag Race Philippines!”
Siya’y walang iba kundi si Maxie Andreison na tinalo ang sampung iba pang competitors ng season three sa nasabing hit show.
Nakuha niya ang titulo mula sa season two winner na si Captivating Katkat.
Lubos na nagpasalamat si Maxie sa natanggap niyang achievement at ipinangako na siya ay magiging “better queen.”
“Thank you, kasi sa wakas, nagkaroon na ako ng korona,” sey niya matapos koronahan.
Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Maxie Andreison sa pagsali sa ‘Queen of the Universe’: ‘I want to see my family to have a good life!’
Wika pa niya, “Sa wakas, pinakita ko na deserve ko ang crown. I will promise you that I will be a better queen.”
Bago manalo, ang nakalaban niya sa lip-sync challenge ay ang runner-up na si Khianna na kung saan ang pinerform nila ay ang kantang “Lipad ng Pangarap” by Regine Velasquez at Angeline Quinto.
KHIANNA VS MAXIE (TOP 2 FINALE LIPSYNC)
WHO DO YOU THINK WON THIS LIPSYNC ?
PS: THEY BOTH ATEEE DOWN !!!! I WAS BAWLING MY EYES OUT !!!!! 🥹🥹🥹
AND THEN WHEN ANGEL CAME AND GOT HER MOMENT IN THE FINALE LIPSYNC …….. BABY I WAS HOLLERING LMAOOO !!!! 😂😂😂😂#DragRacePH… pic.twitter.com/gUWehci0Tx
— KaMorian (Sparkling Alien 💫) (@ka_morian0121) October 9, 2024
Sa final season, mapapanood na nagtagisan pa sa pagrampa sina Maxie at Khianna, kasama ang fellow finalists na sina Angel at Tita Baby sa tatlong bonggang looks.
Kabilang na riyan ang First Time’s A Charm, Art Attack Extravaganza, at Come In Your Best Drag.
Nagharap-harap din sila sa “Grand T.I.T.E. (Totally Impressive Talent Extravaganza)” portion na kung saan ay kailangan nilang ibandera ang sarili nilang kanta, kalakip ang “show-stopping performances.”
Sa buong season 3, nagwagi si Maxie ng tatlong maxi challenges at isang mini challenge.
Naging consistent din siya sa pagiging “high” o “safe,” at never naging kulelat sa mga hamon.
Bukod sa pagiging drag queen, kilala rin si Maxie sa kanyang mahusay na talento sa pagkanta.
Noong June last year, naging kinatawan pa siya ng Pilipinas sa season two ng drag queen singing competition na “Queen of the Universe.”
Ngunit hindi niya ito tinapos dahil nagkaroon siya ng injury at kusa siyang nag-back out.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.