Maxie Andreison first Pinoy drag queen na lalaban sa ‘Queen of the Universe’: I have been waiting for this all my life!
MAY ilalaban ang Pilipinas para sa isang drag singing contest sa United States – ang “Queen of the Universe.”
Siya’y walang iba kundi ang drag performer na si Maxie Andreison!
At alam niyo ba mga ka-bandera, si Maxie ang kauna-unahang Pinoy drag performer na sasabak sa nasabing kompetisyon.
Nitong February 23 lamang ay inanunsyo ng “Queen of the Universe” sa social media ang sampung contestants na maglalaban-laban sa second season ng show.
Isa-isa nilang ipinakilala ang mga kalahok sa pamamagitan ng Twitter post at makikita nga riyan ang glamorosong litrato ni Maxie na nakasuot ng blue outfit na may hawak na mic.
Caption pa nila, “[Philippine flag emoji] @maxieandreison #QueenOfTheUniverse.”
🇵🇭 @maxieandreison #QueenOfTheUniverse pic.twitter.com/wDWSiik2iR
— Queen Of The Universe (@queenofuniverse) February 22, 2023
Kasunod din niyan ang isa pang tweet na ipinapakita naman ang maikling teaser video ni Maxie na kung saan ay mapapanood ang kanyang pagrampa at mala-playful na personality.
Saad pa sa post, “She’s ready to turn it OUT!”
She’s ready to turn it OUT! ❤️🔥 @maxieandreison joins #QueenOfTheUniverse Season 2 – streaming FRIDAY MARCH 31 on @paramountplus! 🎶 pic.twitter.com/20IllcHKhF
— Queen Of The Universe (@queenofuniverse) February 22, 2023
Para kay Maxie, dream come true na mapiling contestant ng nasabing international show.
“I have always dreamt of performing on an international stage and I can’t believe it’s finally happening!!! I have been waiting for this all my life!,” sey niya sa isang Instagram post.
Tiniyak niya na ipaglalaban niyang makuha ang korona para sa Pilipinas.
Caption niya, “Thank you for all the love and support! We will fight and we will get that crown! [red heart emoji]”
View this post on Instagram
Ilan lamang sa mga lalahok sa nasabing singing competition ay mga nagmula pa sa mga bansang Italy, Brazil, United States, Netherlands, Israel, Mexico, United Kingdom at Australia.
Ang show ng “Queen of the Universe” ay magsisimula na sa March 31 at ang mananalo ay mag-uuwi ng tumataginting na $250,000 o halos P13 million.
Related chika:
Sharon Cuneta may panawagan para kay Bongbong Marcos: Let’s unite and forget politics
Sanya kamukha raw ni Rabiya; gusto ring maging beauty queen, pero…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.