Sanya kamukha raw ni Rabiya; gusto ring maging beauty queen, pero... Bandera

Sanya kamukha raw ni Rabiya; gusto ring maging beauty queen, pero…

Ervin Santiago |June 09,2021
share this

Sanya kamukha raw ni Rabiya; gusto ring maging beauty queen, pero…

Ervin Santiago June 09,2021 - 01:01 PM

BUKAS ang isip at puso ng Kapuso actress at “First Yaya” lead star na si Sanya Lopez na mag-join sa mga beauty contest.

Inamin ng dalaga na nais din niyang mag-explore ng ibang bagay pagdating sa kanyang showbiz career at isa na nga riyan ang maging beauty queen.

Ngunit ayon kay Sanya, nang tanungin kung may balak ba siyang sumali sa Binibining Pilipinas, Miss Universe Philippines o Miss World Philippines, mukhang hindi pa raw ito mangyayari sa ngayon.

“Actually, gusto ko naman ma-explore ‘yung part na ‘yun, yung pagiging beauty queen.

“Kaya lang talaga sabi ko, ngayon na maganda ‘yung binibigay sa akin ng GMA Network, marami akong projects na ginagawa sa ngayon, dahil sa GMA, e, talagang ang hirap iwanan po talaga,” paliwanag ni Sanya sa panayam ng GMA.

Katwiran pa ng leading lady ni Gabby Concepcion sa “First Yaya”,  “Sabi ko, kapag pinalad tayo, of course, at binigyan [ng chance at] doon tayo papunta, e di, tignan ‘di ba?”

In fairness, marami ang nagsasabi na may potensyal si Sanya na maging beauty queen, at sumunod sa yapak nina Pia Wurtzbach, Catriona Gray at sa kapwa niya Kapuso actress na si Winwyn Marquez.

Sa katunayan, patok na patok sa mga manonood ang mala-beauty contest episode kamakailan ng “First Yaya” kung saan rumampa si Sanya with her two-piece bikini and evening gown at nakipagtalbugan kay Binibining Pilipinas Universe Maxine Medina.

Samantala, marami rin ang nagkokomento na malaki ang pagkakahawig niya kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

May ilang litrato kasi si Sanya kung saan kamukha nga niya si Rabiya. Of course, super kilig naman ang dalaga sa mga papuri sa kanya.

Actually, na-meet na raw niya nang personal si Rabiya sa isang event, “Nagkita kami noon, kaya kami nagkagulutan parang, ‘Uy!’

“Iisa reaksyon namin nu’ng nagka-ganunan kami, as in pareho kami nakatitig lang sa isa’t isa, tapos doon palang kami nag-hi, hello,” kuwento ni Sanya.

Patuloy pa ng dalaga, “’Hi!’, sabi ko, ‘Ikaw si Rabiya ‘di ba?’ Sabi niya, ‘Yes po, Miss Sanya Lopez’ gumanun siya, sabi ko, ‘Hi and congratulations.’

“Sabi niya ang dami raw nagsasabi sa amin na magkamukha kami para siyang nagulat din noong nagkita kami,” sey pa ni Sanya 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending