Mark Leviste may sama ba ng loob kay Kris Aquino? ‘Wala, we’re civil!’
MAY kinikimkim nga bang galit si Batangas Vice Governor Mark Leviste sa dati niyang girlfriend na si Kris Aquino?
Diretsahang tinanong ng mga members ng showbiz press ang politiko tungkol sa paghihiwalay nila ng Queen of All Media noong huling bahagi ng 2023.
Nakausap ng ilang miyembro ng entertainment media si VG Mark sa naganap na BARAKO Festival 2025 nitong nagdaang weekend sa Bypass Road Lipa City, Batangas at dito nga siya nagbigay ng update about him and Kris.
Ayon sa bise gobernador, maayos ang naging paghihiwalay nila ni Kris kahit pa naging “on and off” ang kanilang pagsasama as a couple.
Baka Bet Mo: Kris ramdam ang epekto ng bagong bakuna; Mark pinuri sina Josh at Bimby
“We were civil and maayos naman. We are friends and will be friends, and I would like to believe we are still friends.
“Maganda naman ang aming pinagsamahan and naniniwala ako na kami ay mananatiling magkaibigan,” pahayag ni Mark.
Masaya rin ang politiko na nakabalik na si Kris sa Pilipinas at nakakasama na uli ang kanyang pamilya at mga kaibigan, “I’m happy that she is closer to her family and close friends.
“Pero kahit naman nasa abroad siya, hindi naging hadlang upang siya ay bisitahin ng kanyang mga kapatid at mga kaibigan na malapit sa kanya. Now it’s closer and more practical,” aniya pa.
Kasunod nito, natanong nga si Mark kung meron ba siyang sama ng loob kay Kris, “Ay, wala. Maayos? Yes, we’re civil.”
Para sa kaarawan ni Kris last February 14, nagbahagi ng wish si Mark para sa dating partner na patuloy pa ring nakikipaglaban sa kanyang autoimmune diseases.
“I wish and pray for her speedy recovery and hope for good health, happiness, and harmony for Kris, her sons, and family.
“Siyempre lagi kong sinasama sa aking panalangin ang kanyang agarang paggaling,” saad ni Mark.
Ano naman ang masasabi niya sa pagkakaroon ng bagong boyfriend ni Kris, ang doktor sa Makati Medical Center na si Dr. Michael Padlan?
“Kilala ko si Dr. Mike, sometime in 2023, nung magkasama pa kami ni Kris. Pinaasikaso ako kay Dr. Mike para sumailalim sa isang executive check up sa Makati Medical Center.
“Nakilala ko siya through Kris and nakilala ko siya nu’ng nasa America kami. We’re all friends,” tugon ng vice governor.
Tulad ni Kris, happy na rin si Mark sa piling ng kanyang bagong karelasyon, ang Sparkle artist at vlogger na si Aira Lopez.
“From day one, we connected well. I felt the spark and I’m happy where I am right now. We’re having fun. We’re having a happy and harmonious relationship these last six months going on seven,” pahayag pa ni Mark Leviste.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.