Lolit Solis botong-boto kina Kris Aquino at Mark Leviste: Sana ito na ang matagal niyang hinihintay | Bandera

Lolit Solis botong-boto kina Kris Aquino at Mark Leviste: Sana ito na ang matagal niyang hinihintay

Pauline del Rosario |April 17,2023
facebook
share this

Lolit Solis botong-boto kina Kris Aquino at Mark Leviste: Sana ito na ang matagal niyang hinihintay

Pauline del Rosario - April 17, 2023 - 01:17 PM

Lolit Solis botong-boto kina Kris Aquino at Mark Leviste: Sana ito na ang matagal niyang hinihintay

PHOTO: Instagram/@akosilolitsolis

UMAASA ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis na makakatuluyan ni Queen of All Media Kris Aquino si Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Sa latest Instagram post, mababasa na tila botong-boto si Manay Solis sa dalawa.

Sey pa nga niya, “Matutuwa ako Salve kung totoo na may special something sila Kris Aquino at Mark Leviste.”

Ang punto kasi ng kolumnista, “Kasi nga at this point kailangan ni Kris Aquino ang isang mag-aalaga at magiging inspirasyon niya sa paglaban sa mga health problems niya.”

“Masarap isipin na may isang nasa tabi mo para alagaan ka. At kung ito ang magiging role ni Mark Leviste sa buhay ni Kris Aquino, bongga,” dagdag pa niya.

Naniniwala din ang talent manager na posibleng mas mabilis gumaling si Kris dahil magkakaroon ito ng inspirasyon.

“Matagal narin walang lovelife si Kris, at alam natin na malaki ang naitutulong nito sa buhay niya,” saad sa caption.

Baka Bet Mo: Kris Aquino grateful kay Mark Leviste, pangako sa mga Batangueño: Hindi ko na po sya gagambalain para yung FOCUS nya inyong inyo

Patuloy pa nya, “Mas madali siyang maka-recover pag may inspiration. Mas madali para sa kanya ang lumakas pag may isang nasa tabi na umaalalay sa kanya.”

Ipinaliwanag din ni Manay Solis na swak si Mark para kay Kris dahil magka-lebel naman daw ang dalawa pagdating sa buhay.

“At kung ito si Mark Leviste, why not ? Achiever din, at socially ka level na rin kaya tiyak na walang problema,” sey ng kolumnista.

Hiling pa niya, “Sana nga ito na ang matagal ng hinihintay at hinahanap ni Kris Aquino, isang forever, bongga [smiling face with hearts emoji].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Kung matatandaan, noong September 2019 nang magparamdam ang vice-governor kay Kris nang magkomento ito sa “public invitation” ng TV host sa IG  para nga sa “single men, aged 41-55” para i-add ang kanyang private Facebook account.

“Looking for someone single, aged 41?” ang comment noon ni Mark.

Reply naman sa kanya ni Kris, “Napaso na sa ‘players’ (literal & figurative) and sa elected officials. You have a (check) in both boxes. Not ‘looking’ but I look forward to getting to know you better and befriending you.”

Sa isa pa niyang post noong March 2020, in-explain uli ni Kris kung bakit ayaw niyang magkaroon ng romantic relationship kay Mark.

“It’s not healthy to entertain someone when you know in your heart that feelings for another haven’t been totally extinguished.

“Repairing what’s broken is a job only for the one who still grieves because the new person had nothing to do with what is your personal pain from the past. Unless I resolve that, I have no business letting someone new into my life,” paliwanag ng Queen of All Media.

At nitong mga nakaraan lamang ay tila pabalik-balik sa Amerika si Mark upang makasama si Kris.

Ngunit agad namang nilinaw ni Kris ang tunay na namamagitan sa kanila ng Batangas Vice Governor.

“May we clarify- together physically in the same place… I appreciate all your effort (through the years) BUT please clarify that we agreed the best foundation for any & all relationships is FRIENDSHIP. I know I state with 100% accuracy, you’re my best male friend,” saad ni Kris.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris muling humiling ng dasal para sa kanila ng mga anak: ‘Gusto kong ipakita sa inyo na hindi ako SUMUKO…itinuloy ko ang LABAN’

Kris unti-unti nang bumubuti ang kalusugan, hindi na sobrang payat; Mark Leviste naglabas ng ‘ebidensiya’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending