Kris nagdiwang ng Easter kasama sina Bimby at Mark Leviste, muling nag-enjoy sa pagsa-shopping | Bandera

Kris nagdiwang ng Easter kasama sina Bimby at Mark Leviste, muling nag-enjoy sa pagsa-shopping

Ervin Santiago |April 10,2023
facebook
share this

Kris nagdiwang ng Easter kasama sina Bimby at Mark Leviste, muling nag-enjoy sa pagsa-shopping

Ervin Santiago - April 10, 2023 - 02:29 PM

NAG-CELEBRATE kahapon ng Easter Sunday ang Queen of All Media na si Kris Aquino kasama ang anak na si Bimby at ang vice governor ng Batangas na si Mark Leviste.

Base sa mga litrato na nakita namin sa social media, spotted si Kris sa Newport Beach sa California na nagsa-shopping sa ilang store doon.

Mukhang okay na okay na nga ang TV host-actress, lalo na ang kanyang itsura na ibang-iba sa nakita natin ilang buwan na ngayon ang nakararaan mula nang ibalita niya ang tunay niyang health condition at ang iba’t ibang treatment na ginagawa sa kanya.

Sa Instagram Stories ni Mark Leviste, ipinost niya ang mga litrato nila ni Kris habang nagsa-shopping sa Fashion Island kasama si Bimby, at ang kaibigan ng aktres na si Michael Leyva.

Sa isang photo, ipinakita pa ng vice-governor ang regalo niyang mamahaling alahas para kay Kris na nasa loob daw ng hawak nitong red paper bag.

Kadikit naman nito ang isa pang picture ng award-winning TV host habang nakahiga at nakatingin sa kanyang cellphone. Makikita sa bandang ulunan niya ang paper bag na naglalaman ng gift sa kanya ni Mark.

Baka Bet Mo: Indian doctor natumbok na kung saan nanggagaling ang mga allergy ni Kris Aquino, paniniguro ni Cristy Fermin: ‘OK na OK na siya ngayon!’

Sa official fan account sa Twitter ng Kris Aquino World, may naka-post ding mga litrato ni Kris kasama ang ilang kaibigan kung saan makikita nga itong nag-e-enjoy sa pagsa-shopping.

“Easter Sunday with Kris Aquino, Bimby, @markleviste, and Michael Leyva,” ang caption na nakalagay sa nasabing fan account ng TV host.

Matagal-tagal na ring nananatili si Kris sa Amerika para sa mga medical treatments na kailangan niya para sa kanyang autoimmune diseases.

Kamakailan ay nagbahagi rin si Bimby ng update tungkol sa kalagayan ng kanyang mama. Maganda naman daw ang resulta ng pagpapagamot ni Kris, partikular na ang ginagawang treatment ng dalawa niyang Indian doctor.

“Okay naman. Stable, that’s the word for it. Stable lang but, of course, still beautiful,” sabi ni Bimb. Mag-gain na rin daw ng timbang si Kris and now weighs 103 pounds.

Noong February naman nilinaw ni Kris na hindi sila magdyowa ni Mark Leviste tulad ng napabalita matapos mag-post ang politiko sa social media ng kanilang litrato na kuha noong magdiwang siya ng kaarawan.

Talagang personal na binisita ng bise gobernator ang TV host sa Amerika para batiin at makasama sa mismong kaarawan nito.

“I appreciate all your effort (through the years) BUT please clarify that we agreed the best foundation for any & all relationships is FRIENDSHIP,” ang message ni Kris kay Mark.

Related Chika:

Kris unti-unti nang bumubuti ang kalusugan, hindi na sobrang payat; Mark Leviste naglabas ng ‘ebidensiya’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris nagpaturok na rin ng COVID-19 vaccine; may hirit kay Mark Leviste

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending