Tanong ng bayan habang may pinagdaraanan si Willie: 'Nasaan si Kris Aquino?' | Bandera

Tanong ng bayan habang may pinagdaraanan si Willie: ‘Nasaan si Kris Aquino?’

Reggee Bonoan |February 26,2023
facebook
share this

Tanong ng bayan habang may pinagdaraanan si Willie: ‘Nasaan si Kris Aquino?’

Reggee Bonoan - February 26, 2023 - 07:33 PM

Tanong ng bayan habang may pinagdaraanan si Willie: 'Nasaan si Kris Aquino?'

Kris Aquino, Willie Revillame at Joshua Aquino

MATALIK na magkaibigan sina Willie Revillame at Kris Aquino.

Sa katunayan ay nakaalalay ang “Wowowin” host kay Kris sa panahong nawala ito sa ABS-CBN.  Gumagawa ng paraan ang una na makapasok sa GMA 7 ang huli para makabalik sa TV hosting pero umano hindi pinayagan ng mga bossing ng Kapuso network.

Kapag may libreng oras ay dinadalaw ni Willie si Kris sa bahay nito sa Green Meadows noon at para makasama rin ang panganay na anak ng huli na si Joshua ay nagdyo-joyride sila gamit ang kanyang sports car na gustung-gusto naman ng binata.

Nabanggit namin ito dahil isa ito sa topic ninaNay Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika sa “Showbiz Now Na” vlog na in-upload ngayong hapon. Maraming nagtatanong kung nasaan si Kris Aquino sa panahong kailangan ni Willie ng karamay.

Say ni ‘Nay Cristy, “Una na po ang pagtatanong ng mga kababayan na sa gitna po ng mga nagaganap na paghamon sa buhay ni Willie Revillame, may isang tao po silang hinahanap, nasaan na raw si Kris Aquino?”

“Oo nga ano? Natatandaan natin na si kuya Wil pa ang nagpu-push kay Kris Aquino para makapasok sa GMA,” say ni Romel Chika.

Hirit ng “SNN” at “CFM” host, “Noong mawalan siya ng show sa ABS-CBN.”

“Opo sa panahong lugmok na lugmok si Kris Aquino na gusto talagang makapagtrabaho at makabalik (ni Willie sa telebisyon),” saad ni Romel Chika.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


Kuwento pa ni ‘Nay Cristy na kapag may taping si Kris noon sa ABS-CBN ay nasa dressing room naman ni Willie sina Josh at Bimb sa panahon ng “Wowowee.”

Pag-alala ni ‘Nay Cristy, “Saka sabi pa ni Kris na si Willie ang gustung-gusto niyang personality kasi ‘naging presidente ang mommy, naging presidente ang brother ko (ay) wala siyang hininging anumang pabor.’

Balik-tanong ni Romel Chika, “Nasaan ngayon si Kris?”

Isa pang pagbabalik-tanaw ni Nanay Cristy ay nang nag-stay sina Kris at dalawang anak sa bahay ni Willie sa Mindoro noong kainitan ng COVID-19 lockdown na inihatid- sundo pa sila ng chopper nito.

“Pero malakas ang kutob ko na mayroon silang personal na komunikasyon,” saad ni Nanay.

Dagdag pa nito, “Knowing Kris kung totoong may komunikasyon sila na ganyan, hindi siya makatitiis na hindi i-IG (Instagram), ipo-post niya ‘yun.”

“Nakakalungkot lang na ito ‘yung mga panahong pagtanaw sana kay kuya Wil,” sapantaha naman ni Romel Chika.

“Importansiya ng pagkakaibigan. Kasi nga sa lahat ng panahon sabi nga ni Kris, magkaibigan sila ni Willie kasi nga walang hininging pabor kayqa gustung-gusto niya si Willie,” say pa ni ‘Nay Cristy.

“Sana lang sa IG post ni Kris na sabihing, ‘nandito lang kami, Wil.  Mga ganu’n-ganu’n,'” aniya pa.

Sang-ayon naman si Nanay Cristy, “Iyong maramdaman mo lang na sa gitna ng kadiliman ay may nagbibigay sa iyo ng ilaw. Sabi nga kahit kandila lang basta’t may liwanag kang nakikita.”

Dimples sa mga nagtatanong kung nasaan nga ba si Angel: Ibigay na lang muna natin sa kanya yung privacy…

Nikki tinulungan ng ABS-CBN para mapag-aral ang anak; nagpasalamat kay Wenn Deramas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy niresbakan si Willie, isasauli ang pinaghirapang condo: Bago ka magsalita mag-isip ka muna! Pero kung gusto mo ng giyera nakahanda ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending