Mark Leviste todo ang pag-aalala sa pagbabalik ni Kris sa Pinas?

Mark Leviste todo ang pag-aalala sa pagbabalik ni Kris sa Pinas, why kaya?

Pauline del Rosario - September 15, 2024 - 12:55 PM

Mark Leviste todo ang pag-aalala sa pagbabalik ni Kris sa Pinas, why kaya?

Vice Gov. Mark Leviste, Kris Aquino

KAHIT hiwalay na ang magdyowa, nagpahayag pa rin ng kanyang nararamdaman si Batangas Vice Governor Mark Leviste sa pagbabalik ng kanyang ex-girlfriend na si Kris Aquino dito sa Pilipinas.

Sa Facebook Story, sinabi ni Gov. Leviste na masayang-masaya siya dahil finally ay nakauwi na rin ang Queen of All Media upang makasama ang kanyang pamilya.

“I am glad that Kris is finally home, and I’m equally happy for her family, friends, and fans that our Queen is back at long last,” sey niya sa post.

Pero aminado rin ang gobernador na may pag-aalala pa rin siya sa dati niyang dyowa.

“However, it breaks my heart to see someone I deeply care about facing such a difficult battle,” wika niya.

Baka Bet Mo: Kris ibinuking ang mga dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Mark: ‘Nararamdaman kong hindi siya handa sa responsibilidad ng seryosong relasyon’

Ani pa niya, “Her strength and resilience have always amazed me, at alam ko na gagawin niya ang lahat upang hindi sumuko, at patuloy na lumaban at protektahan ang kanyang kalusugan.”

Nabanggit din ni Gov. Leviste na patuloy nila ng kanyang pamilya na ipinagdarasal ang paggaling ni Kris.

“Now, more than ever, she needs the unwavering love and support of her loved ones. My children and I are here for her, offering all the encouragement we can,” sambit niya, kalakip ang yellow heart emoji.

Kung matatandaan, inamin ni Kris sa isang panayam na isa sa dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Gov. Leviste ay dahil hindi raw boto ang bunsong anak na si Bimby sa kanilang relasyon.

Ipinagdiinan din ng ina ni Josh at Bimb na ayaw na niyang makipagbalikan sa vice governor ng Batangas.

“Yes, I’m telling the truth (hindi okay sina Bimb at Vice Gov. Mark). It matters to me because he (Bimb) knows me best. Siya at si kuya (Josh), ‘yung opinion nila it really matters,” sey ni Kris.

Dagdag pa niya, “Most people would say na dapat ‘yung mga anak ang sumunod sa magulang, pero sa akin kasi they’re always there and alam ko na ang pagmamahal nila sa akin is pure.”

Kwento pa niya, “Nagsabi si Bimb, ‘mama, I don’t think you really love him, I think you’re just sad’ at tumatak ‘yun sa utak ko, and yeah it’s true.”

Ayon pa kay Kris, sinusubukan naman nilang ayusin pero hindi na nangyari.

At bago pa magdiwang ng kaarawan si Kris noong Pebrero ay totally hiwalay na sila.

Sa ngayon ay may bagong pag-ibig ang Queen of All Media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi pa niya ito ibinubunyag sa publiko, pero isa raw itong doktor na naka-base dito sa Pilipinas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending